Ina ni Diego Loyzaga na si Teresa Loyzaga, may sweet na mensahe para sa nobya ng anak na si Barbie Imperial

Sobrang supportive ni Teresa Loyzaga sa girlfriend ng anak na si Barbie Imperial!

Credit: @msbarbieimperial Instagram

August 1 ngayong taon nang tumungtong ang aktres na si Barbie Imperial sa kanyang ika-23 na kaarawan. Bilang selebrasyon ay nagkaroon siya ng magarang photoshoot kung saan ay nagbihis Tinkerbell siya. Marami naman ang nagpaabot ng pagbati kay Barbie at isa na nga sa mga ito ay ang Mommy ng kanyang boyfriend na si Teresa, isang beteranang aktres.

Nagpaabot ng makabuluhan at sweet na mensahe si Teresa para kay Barbie sa pamamagitan ng pag-post ng larawan sa kanyang opisyal na Facebook account kung saan ay makikita sa kanyang likod si Diego at ang girlfriend nito na si Barbie.

Credit: @msbarbieimperial Instagram

Kasabay sa pagbati ni Teresa ay malaki rin ang kanyang pasasalamat sa 23 taong gulang na aktres dahil napapasaya umano nito ang kanyang anak na si Diego na isa namang malaking kaligayahan para sa isang ina.

Credit: @msbarbieimperial Instagram

“To a Special Lady who not only holds my son’s hand but also holds his heart, Barbie Imperial @msbarbieimperial Happiest Birthday to you hija. I wish for you only good things. Bless you always! See you soonest. Dinner naman tayong lahat with your Mom too! Bing Imperial 🎂🥰🎂 Enjoy children! Love you!❤️” pahayag ni Teresa sa kanyang caption.

Credit: Teresa Loyzaga Facebook

Marami namang na-touch sa mensahe ni Teresa para sa girlfriend ng anak. Dahil dito ay masasabing sobrang close naman talaga ni Barbie sa ina ng kanyang boyfriend dahilan para kagiliwan sila ng mga netizens.

Napansin din ng mga netizens kung gaano ka-sweet ang dalawa sa larawang ibinahagi ni Teresa sa Facebook. Makikitang magkatabi at nakahilig ang ulo nila sa isa’t-isa habang parehong okupado sa pinapanood.

Credit: @msbarbieimperial Instagram

Siyempre, hindi rin nagpahuli si Diego dahil may madamdaming mensahe rin siya para sa girlfriend. Sa Instagram ay nagbahagi ang aktor ng mga larawan kung saan ay makikitang magkasama silang dalawa ni Barbie.

“To the love of my life, happiest 23rd birthday ☺️ my baby, baby momma, baby ban*s, mahal ko, i wish you all the best and all the happiness in the world,” sabi ni Diego sa kanyang caption.

Dagdag din ng aktor na nandiyan siya palagi sa tabi ng girlfriend sa anumang oras. Nagkaroon si Diego ng mahaba-habang mensahe pero tinapos naman niya ito kalaunan sa mga katagang labis na nagpakilig sa kanilang mga fans.

Credit: @msbarbieimperial Instagram

“Ang haba na ng message nito, so again, happy birthday, mahal. I love you @msbarbieimperial,” pagtatapos ni Diego.

Nag-reply naman si Barbie sa mismong post ng boyfriend ng, “Mahal 🥺🥺🥺 thank you, I love you”.
Maalala noong January 1 nang inanunsyo ni Diego sa publiko na may relasyon sila ni Barbie.