Ina ni Ivana Alawi, naging emosyonal nang mapanood ang sinapit ng mga nasalanta ng bagy0

Nadurog ang puso ng ina ni Kapamilya actress-vlogger Ivana Alawi na si Fatima Alawi matapos nitong mapanood sa balita ang sinapit ng mga b!ktima ng mga nagdaang bagy0 sa bansa. Sa special vlog episode ni Ivana sa kanyang YouTube channel na “Happy Birthday Mama Alawi!” ay mapapanood ang pagiging emosyonal ni Fatima habang pinapanood sa balita ang nakakaawang sitwasyon ng mga nasalanta ng bagy0.

Credit: Ivana Alawi YouTube     

“Tingnan mo ‘yung mga batang nag-iiyakan…ang sakit sa dibdib,” sambit ni Fatima sa video na nakunan ng CCTV ng kanilang bahay.

Sobrang naawa si Fatima sa mga na-b!ktima ng bagy0 kaya naman nagpasya siyang ibigay na lamang sa mga ito ang natanggap niyang regalo mula kay Ivana.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Niregaluhan ni Ivana si Fatima ng P500,000 para sa kanyang kaarawan at ito ay naisip ni Fatima na ibigay sa mga nasalanta ng bagy0.

Aniya sa video, “May binigay sakin si Mariam [Ivana] na pera…May pera ako dun ibibigay ko nalang ‘yun mamimili nalang tayo [ng mga relief good]…maraming matutulungan ‘yun.”

Maririnig din sa video si Fatima na nagpapasalamat sa Diyos dahil napaka-bless pa rim umano ng kanyang pamilya. Ani Fatima, “Thank you, Lord kasi napaka-bless pa rin po kami.”

Credit: Ivana Alawi YouTube

Samantala, sa nasabing vlog din ni Ivana ay ikwenento niya kung paano siya na-inspire at naantig sa pagiging “selfless” ng kanyang Mama Alawi.

“Sobrang na-touch ako sa kwenento sa akin ni Mona kasi parang nasa baba sila ni Mama tapos nanonood si Mama ng mga balita and then sobrang na-touch lang ako nung pinanood ko,” kwento ni Ivana.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Dagdag niya, “Sobrang na-touch ako sa nanay ko. Meron talagang golden heart si Mama. Parang on-the-spot gusto niya agad ibigay yung regalo ko sa kanya which is for her of course ‘di ba? Kasi regalo sa kanya ‘yun…Pero on-the-spot gusto niyang ibigay [lahat] sa mga victims. She’s just super-selfless and I love my Mama.”

Sinabi rin ni Ivana sa vlog na bukod sa perang ido-donate ng kanyang Mama Alawi ay magbibigay din siya ng sarili niyang pera para sa mga nasalanta ng bagy0.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Hangad din ni Ivana na ma-inspire at mahikayat niya ang ibang tao na tumulong din sa mga b!ktima.

Saad ni Ivana, “I hope this inspires other people. I want to do this para lahat ng kita ng vlog dito ido-donate ko. And aside from that meron din akong mga ido-donate from my heart and from my family.”

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sa panahon naman na isinusulat ito ay umabot na sa mahigit 2.6 million ang views ng nasabing vlog.