Ina Raymundo, inirereto ang kanyang napakagwapong anak na si Jacob Poturnak para maging asawa ni Julia Barretto

Marami ang nabibighani sa taglay na kagandahan ng aktres na si Julia Barretto. Isa na rito ang napakagwapong anak ni Ina Raymundo na si Jacob Poturnak. Ibinunyag mismo ni Ina sa lahat na may ‘crush’ ang kanyang nag-iisang anak na lalaki kay Julia.

Credit: Ina Raymundo Instagram        

Nitong November 28, sa panibagong episode ng “Drink and Spill” vlog ni Julia ay inimbitahan niya si Ina bilang guest kung saan ay masaya silang nagkwentuhan at naglaro ng ‘song association’. Sa kalagitnaan nga ng kanilang paglalaro ay biglang sumilip ang napakagwapong anak ni Ina na si Jacob.

Credit: Julia Barretto Instagram

Agad namang napansin ni Julia si Jacob at pinuna ang pagiging ‘gwapo’ nito. Ani Julia na aminadong ‘tipsy’ na, “Look at the very handsome son.”

Maging si Ina ay natamaan na rin ng kanilang iniinom na al@k kaya naman nasambit nito ang ‘sekreto’ ng kanyang anak.

Credit: Ina Raymundo Instagram

Sambit ni Ina, “Kuya, can I say that you have a crush on Julia?”

Sagot naman ni Jacob sa tanong ng kanyang ina, “You already said so…”

Credit: Julia Barretto Instagram

Pagbibigay-diin pa ni Ina, “He has a crush on Julia.”

Reaksyon naman ni Julia sa rebelasyon ni Ina, “I didn’t know that.”

Credit: Ina Raymundo Instagram

Napagtanto naman ni Ina na pwede nga niyang maging anak si Julia kapag napangasawa ito ni Jacob. Inamin din kasi ni Ina sa vlog na pakiramdam niya ay tunay na anak niya si Julia at malalim ang kanilang koneksyon na dalawa.

Credit: Ina Raymundo Instagram

“Maybe you’ll be my daughter-in-law? Kaya pala ‘yung feeling ko sa kanya para ko siyang daughter kasi daughter-in-law ko pala siya in the future…Why not?” saad ni Ina.

Pitong taon ang agwat ng edad nina Julia at Jacob. Tinanong naman ni Julia si Ina kung okay lang ba sa kanya na mas matanda siya ng ilang taon sa anak nito.

Credit: Ina Raymundo Instagram

Tanong ni Julia kay Ina, “You don’t mind if I’m way older than your son?”

Para kay Ina, hindi hadlang ang malaking agwat ng edad nina Julia at Jacob.

Credit: Ina Raymundo Instagram

“You’re just seven years older. Hello, nagka-boyfriend ako seven years younger than me. Seven years, that’s not a big deal. Just wait ten years from now, you’ll be 33. Tingnan natin kung [magiging sila],” walang pag-aalinlangan na sagot ni Ina.

Credit: Julia Barretto Instagram

Nagsimulang maging malapit sina Julia at Ina taong 2016 nang magsama sila sa pelikulang “Vince and James and Kath” na nasundan naman ng “Ngayon at Kailanman”, “Block Z” at “I Am You”.