Isa sa mga pinakatalentadong artista sa Philippine showbiz industry ang aktres na si Ina Raymundo. Bukod sa kanyang walang kupas na kagandahan at kaseks!han ay isang magaling din na aktres, dancer at singer si Ina.
Credit: @erikarae.p Instagram
Ang pagiging talentado naman ni Ina ay tila namana ng kanyang mga anak. Tulad na lamang ng kanyang panganay na anak na si Erika Rae Poturnak na hindi lamang sobrang ganda kundi isang mahusay ding mang-aawit.
Credit: @erikarae.p Instagram
Matatandaang noong nakaraang taon ay pumirma ng kontrata si Erika Rae sa talent agency na Cornerstone Entertainment Inc., isa sa kanyang mga milestone na talaga namang ipinagmamalaki ng kanyang nanay.
At ngayong taon, buong ipinagmamalaki naman na inanunsyo ni Ina sa lahat na natanggap si Erika Rae sa isa sa mga nangunguna at prestihiyosong music school sa Amerika na Berklee College of Music.
Credit: @erikarae.p Instagram
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Ina ang nakamit na ito ng kanyang panganay na anak. Ayon pa kay Ina, ayaw niyang magmayabang ngunit sobrang proud niya para kay Erika Rae sa achievement nito.
“As much as possible I don’t want to brag BUT my firstborn has been accepted to the 2nd most prestigious music school in the US, the Berklee College of Music! I’m so proud of her! #ErikaRaePot” sulat ni Ina sa kanyang Instagram post.
Credit: @erikarae.p Instagram
Samantala, malaking achievement nga naman na maituturing na makapasok sa nasabing music school dahil kilala ito dahil sa kanilang mga ipinoproduce na magagaling na artist.
View this post on Instagram
Ilan sa mga kilalang alumni ng nasabing music school ay ang mga sikat na American artist na sina John Mayer, Charlie Puth at Quincy Jones.
Bumaha naman ang congratulatory messages para kay Erika Rae mula sa mga netizen.
“U HAVE THE RIGHT TO BE PROUD AND URE NOT BRAGGING MRS INA Congratz well deserve ang ganda niya”
Credit: @erikarae.p Instagram
“Wow congratulations to her and to the proud parents”
“Beauty and Brains and Talent”
“This is an instance where it’s definitely okay to brag away and be proud! This is a huge accomplishmen!!!”
Nagtapos si Erika Rae ng high school noong May 2020 sa pamamagitan ng isang online graduation ceremony.