Ini-reveal ni Pauleen Luna na hindi niya ramdam ang 34 taong age gap nila ni Vic Sotto dahil sa ginagawang ito ni Vic para sa kanya

Isa ang edad sa maraming mahahalagang aspeto na tinitingnan ng lahat upang masabing ‘compatible’ o bagay sa isa’t isa ang dalawang taong nagmamahalan. Ang edad kasi ng isang tao ang siyang dumedepina sa kanyang pananaw, pag-uugali at interes sa buhay.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram       

Gayunpaman, hindi basehan ang pagkakalapit ng edad para tumagal ang pagsasama ng mga magkasintahan o mag-asawa.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Ayon sa actress-host na si Pauleen Luna, mahalaga ang pagkakaroon ng respeto sa isa’t isa para magtagal ang isang relasyon.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Sa isang Instagram post ay inamin ni Pauleen na respeto sa isa’t isa ang susi kung paano nila napanitili ni Vic Sotto ang isang magandang pagsasamahan kahit pa 34 na taon ang agwat ng kanilang edad.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Ani Pauleen, “A few weeks ago, we were interviewed by Miss @luchicruzvaldes for her show. She asked me “How do you deal with the age gap?” I wasn’t able to give a good answer because i honestly do not feel the “gap” that we have. That afternoon, i thought hard about that question and i came up with an answer, a real answer. My husband loves me very much and gives me a certain kind of confidence and security about our relationship but i think the thing i love most about him is the amount of respect he gives me.”

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Para kay Pauleen, hindi niya naramdaman ang malaking agwat ng edad nila ni Vic dahil nirerespeto ng kanyang asawa ang mga desisyon niya sa buhay.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Aniya, “He respects my life decisions, he respects my room to grow and he respects me like an equal. Never did i hear my husband raise his voice and felt like i was younger and didn’t matter. I always felt validated. I always feel important around him. Respect plays a big role in any relationship. I know deep in my heart that it’s one of the main reasons why this relationship is so easy.”

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Taong 1995 nang unang nagkakilala sina Vic at Pauleen sa longest running noontime show sa Pilipinas na “Eat Bulaga” kung saan ay naging contestant noon si Pauleen sa segment ng show na “Little Miss Philippines”.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Mayroon silang isang anak na si Talitha Maria na ipinanganak ni Pauleen noong 2018, isang taon matapos silang ikasal ni Vic.