Isang mahusay at hunk na aktor ang madalas na paglalarawan ng karamihan kay Piolo Pascual at dahil sa patuloy na pag-angat ng kanyang career sa showbiz, talagang nakatutok sa kanya ang spotlight kaya naman, pati buhay niya sa likod ng kamera ay hindi na lihim sa publiko.
Credit: @inigopascual Instagram
Simula nang pinasok ang mundo ng showbiz, nagtuloy-tuloy na ang pagpasok ng opportunities sa buhay ni Piolo at kahit na’y ilang taon naman ngayong nananatili sa industriya, patuloy pa rin niyang ipinapamalas ang kanyang kahusayan kaya naman, hindi kailanman nakalimutan ng publiko ang kanyang pangalan.
Maliban sa kanyang nakakabilib na talento sa acting, marami sa atin ang nakakalimot na isa pala siyang ama sa anak na si Iñigo Pascual. Kahit na’y exposed ang kanyang personal na buhay sa publiko, bibihira lamang nating nakikita ang side ni Piolo bilang isang ama.
Credit: @inigopascual Instagram
Sa pagsapit ng ika-45 na kaarawan ni Piolo nito lamang Miyerkules, January 12, sa wakas ay ipinasilip ni Iñigo ang relasyon nilang mag-ama sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga larawan ng kanilang bonding moments.
“Happy Birthday to my father! I chose these photos that show how you are as a father, that people don’t usually get to see,” pagbati ni Iñigo sa kanyang ama.
View this post on Instagram
Malaki naman ang kanyang pasasalamat sa ama dahil sa lahat ng lessons at sa pag-udyok ni Piolo sa kanya na mas pagbutihin pa ang sarili.
Ayon kay Iñigo, “Thanks for being so fun and caring. Thanks for all the lessons and for always pushing me to be the best version of myself. Love you!”
Credit: @inigopascual Instagram
Base sa mga larawang ibinahagi ng 24 taong gulang na aktor, masasabing mahilig magpunta sa gym, sumubok ng iba’t-ibang sports, at makapag-bonding sa kanilang trips ang mag-ama.
Hindi madalas na nakikitang magkasama sa harap ng kamera, tila’y bago sa mata ng karamihan ang mga larawang ibinahagi ni Iñigo sa Instagram, ngunit laking tuwa naman ng kanilang fans nang mapansin kung gaano sila ka-close sa isa’t-isa.
Credit: @inigopascual Instagram
Hindi lamang sa larangan ng pag-arte mahusay si Papa P dahil napaka-natural niya talaga bilang isang ama kay Iñigo, isang katangian ng aktor na hindi madalas nakikita ng karamihan.