Iñigo Pascual, masayang ibinahagi na natupad na niya ang kanyang pangarap na makabili ng farm para sa kanyang minamahal na lolo

Hinahangaan ngayon ng marami ang unico hijo ng hunk actor na si Piolo Pascual na si Iñigo Pascual dahil sa kanyang talento sa pagkanta at pag-arte.

Credit: @inigopascual Instagram

At tulad ng kanyang ama ay marami na rin ang natamong tagumpay sa buhay ni Iñigo sa edad na 23 taong gulang bilang isang artista.

Ngunit maituturing na isa sa pinakamalaking tagumpay sa buhay ni Iñigo ay noong natupad niya ang kanyang pangarap na bumili ng farm para sa kanyang minamahal na lolo.

Nito lamang July 30, ikwenento ni Iñigo sa “Magandang Buhay” na matagal na niyang pangarap na magkaroon ng isang farm para sa kanyang lolo. Dahil nga sa kanyang pagsisikap sa pagtatrabaho, natupad ito ni Iñigo.

Credit: @inigopascual Instagram

Kwento ni Iñigo, noong nakaraang November 2020 ay naisakatuparan niya ang kanyang pangarap matapos niyang mabili ang isang farm sa probinsya ng Rizal.

Ikwenento rin ni Iñigo na bata pa lamang siya ay pangarap na talaga niyang magkaroon ng isang farm para sa kanyang pamilya.

“I’ve bought my first farm noong November for my Lolo. Ayun masaya ako siyempre,” bahagi ni Iñigo.

Credit: @inigopascual Instagram

Dagdag niya, “I’ve always wanted to have horses. I’ve always wanted to learn how to ride horses by myself and to even have my own farm. Parang sobrang pangarap ko talaga ‘yon bata pa lang ako. And also to have my lolo here with me and makita siya na sobrang excited to be there.”

Ayon naman kay Iñigo, sa tuwing nasa bukid siya, nakakaramdam siya ng kapayapaan kaya naman gustong-gusto niyang mag-farm.

“Ako kasi I’ve always love nature. Parang doon ako kumakalma, doon ako nakakalimutan ang stress ang problema,” pahayag ni Iñigo.

“Hilig ko lang talaga bata pa ako, hilig ko sa bundok, hilig ko mag-hike, magpunta sa beach. So anything nature-related eh ‘yon ang trip ko na gawin on my spare time,” dagdag niya.

Larawan naman ang saya sa mukha ni Iñigo nang ibinahagi niyang nakabili na rin siya ng mga alagang hay0p tulad ng mga kabayo, baboy at baka para sa kanyang farm.

Credit: @inigopascual Instagram

Bukod naman sa pagfa-farm, ibinahagi ni Iñigo na isa sa mga pinagkakaabalahan niya tuwing nasa bukid ay ang mag-aral kung paano sumakay ng kabayo.

“Nag-aaral akong sumakay ng kabayo. Atsaka meron kaming mga baboy, may mga baka,” masayang kwento ni Iñigo.

Sa ngayon ay patuloy na gumagawa si Iñigo ng kanyang sariling pangalan sa industriya ng musika sa kanyang bagong labas na album na pinamagatang “Options.”