Iba ang hatid na kasiyahan sa mga magulang ang makita ang kanilang mga anak na makapagtapos sa pag-aaral o hindi naman kaya ay makatungtong sa sumunod na baitang. Ang kayamanan na pwedeng ipamana ng mga magulang sa kanilang mga anak na hindi mananakaw kahit na sinuman ay ang edukasyon.
Credit: @pochoy_29 Instagram
Katulad ng ibang mga magulang ay proud na proud din ang aktor at host na si Paolo Ballesteros sa pagtatapos ng kanyang anak na si Kiera sa elementarya. Makikita sa Instagram post ni Paolo ang letrato ni Kiera na suot ang toga.
Sinabi ni Paolo sa kanyang post, “Congrats anak! I love you ♥️♥️♥️ berigood 👍🏼👍🏼”
Bukod sa graduation photo ni Kiera ay ipinost ni Paolo ang award na nakuha ng anak at ito ay ang “with honors” na karangalan.
Credit: @pochoy_29 Instagram
Bukod sa ganda ay ipinamalas din ng anak ni Paolo ang angkin nitong sipag sa pag-aaral at katalinuhan.
Maraming netizen ang natuwa sa balitang ipinost ni Paolo at binati din ang anak nitong si Kiera.
“Woohoo!!! Congratulations! 🙏🏼👏🏼👏🏼”
“Congrats! Keira 😍 proud of you 💗🥰”
“Oww 😍 Warmest congratulations on your graduation 💃🏻 Keira @pochoy_29”
Credit: @pochoy_29 Instagram
“Congrats babygirl u did it again keep it up and so proud of u labyu 😘😘😘”
May ilang mga netizen ang nagsabing nakikitaan nila ng potensyal si Kiera na maging isang beauty queen.
“Miss Universe in the making! ❤️”
May ilang netizen naman ang nagulat nang makitang ganap na dalaga na ang anak ni Paolo at mayroon ding nagsabing kahawig ni Paolo si Kiera.
Credit: @pochoy_29 Instagram
“Big girl na. Congrats po and to the proud parents, Pao.😍😍😍”
“Omg! dalaga na sya! Congratulations! Keira and to you too @pochoy_29 ⭐️⭐️⭐️”
“Hala dalaga na sya at magkamukha po kau ❤ congrats”
“Kamukha mo pre.”
Credit: @pochoy_29 Instagram
Ang ilan namang netizen ay natawa at napansin ang mga kakaibang pangalan ng mga kaklase ni Kiera na nakatanggap din ng awards.
“ang hihirap naman banggitin ng mga pangalan nyang matatalini na yarn 😂🔥🙌❤️”
Si Kiera ay anak ni Paolo sa kanyang dating kasintahan na si Kaye Nevada at isinilang ito sa Amerika noong 2008.