Isabel Oli at John Prats, hindi na maitago ang excitement na makalipat sa kanilang bagong bahay!

Maliban sa pagbibigay sa pamilya ng magandang tirahan, ano pa ba ang ibang layunin sa tuwing nagpapatayo o lumilipat ng bagong bahay? Mabilis lamang lumipas ang panahon at minsan, hindi natin ito napapansin kaya nais talaga nating lahat na may mabalikan lang sanang magandang mga alaala at ito mismo ang planong gawin ng couple na si Isabel Oli at John Prats ngayon na malapit nang matapos ang ipinapagawa nilang bahay.

Credit: @isabeloliprats Instagram

Ngayon na lumalaki na ang pamilya ni Isabel at John, nararapat lamang na magkaroon sila ng malaki-laking space kung saan ay malayang makakapaglaro ang kanilang mga chikiting na sina Lilly Feather, Daniel Freedom, at Lilla Forest.

Disyembre noong taong 2020 nang unang ibinahagi ng couple ang plano nilang pagpapatayo ng kanilang “dream house” sa pamamagitan ng isang vlog kung saan ay makikitang bumisita sila ng isang malawak at bakanteng lot.

“I can’t wait sa bahay namin dito next year which is 5 days na lang, uumpisahan na siya,” saad ni Isabel sa vlog habang ipinapakita ang bakanteng lote na patatayuan nila ng bahay.

Taong 2021 naman nang inumpisahan ang construction ng kanilang “dream house” at simula ‘nun, madalas ang pagbisita at pagche-check ng couple sa progress at nito lamang nang ibinahagi ni Isabel at John na ramdam na nilang pareho na nalalapit nilang paglilipat.

Credit: @isabeloliprats Instagram

Kumakailan lamang, nagbahagi ng video si Isabel at John sa kani-kanilang Instagram account kung saan ay nagkaroon sila ng “mini tour” sa kanilang bagong bahay. Hindi pa man tuluyang natatapos, makikita na ang kagandahan lalo na’t gawa sa kahoy ang ceiling at iilang feature ng kanilang bahay.
Ipinasilip din ng couple ang kanilang magiging swimming pool na may malawak na space. Expected talaga na sobrang mag-eenjoy ang kanilang mga anak kapag sila’y lilipat na.

Credit: @isabeloliprats Instagram

Hindi pa man tuluyang natatapos, nag-uumapaw na ang nararamdamang excitement ni Isabel at John lalo na’t plano nilang bumuo ng masasaya at magagandang alaala kasama ang kanilang mga anak sa panibago nilang bahay.

Credit: @isabeloliprats Instagram

Maliban sa excitement sa bagong environment, excited din ang pamilyang Oli-Prats sa mga alaalang mabubuo nila sa kanilang “dream house”.