Isabel Oli, ibinida ang magandang hubog ng katawan habang nasa beach upang ipagdiwang ang 1st birthday ng pangatlong anak

Maraming netizens ang nakapansin sa magandang hubog ng katawan ng aktres na si Isabel Oli sa kanyang pinakabagong post sa Instagram.

Credit: @isabeloliprats Instagram

Sa kanyang post, makikita na masayang nakikipag-bonding si Isabel sa kanyang bunsong anak na si Lilla Forest sa isang beach sa Batangas.

Umagaw nga sa atensyon ng maraming netizens ang napakaseksing beach body ni Isabel na kapansin-pansin sa kanyang suot na yellow two-piece bikini. Sa isang larawan ay makikitang ibinida ni Isabel ang manipis niyang tiyan at toned na mga braso at binti habang karga ang kanyang anak na naka-outfit naman ng isang pink watermelon-print swimsuit.

Credit: @isabeloliprats Instagram

Samantala, ang nasabing post ay birthday post ni Isabel para kay Baby Forest na nagdiriwang ng kanyang unang kaarawan.

Matatandaang noong July 17, 2020 isinilang ni Isabel si Baby Forest na ikatlong anak naman nila ni Kapamilya actor John Prats. Nag-post din si John ng ilang masasayang larawan nilang magpamilya habang nasa beach.

Kalakip naman ng nasabing Instagram post ni Isabel ay ang kanyang nakakaantig at sweet message para kay Baby Forest sa kaarawan nito.

Ani Isabel, “So today, we celebrate that love-filled day…We pray for nothing but for God to complete and achieve His purpose through you. Happy first birthday, our @forestprats 🎂”

Credit: @isabeloliprats Instagram

Sinabi rin ni Isabel sa kanyang post na sa lahat ng kanyang mga anak, ang kaarawan ni Baby Forest ang pinaka-natatangi. Inilarawan ni Isabel bilang “nerve-wracking” at “challenging” ang mga araw na malapit na siyang manganak kay baby Forest sa gitna ng p@ndemya. Ayon pa kay Isabel, magpahanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung paano nila nalagpasan ang araw ng kanyang panganganak.

Matatandaang wala ang Kapamilya actor sa araw na ipinanganak ni Isabel ang kanilang pangatlong anak dahil kasalukuyan ito noong naka-lock-in taping para sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Kaya naman masasabi ni Isabel na malaking hamon para sa kanya ang araw na isinilang niya si Baby Forest.

“As your momma, you and your siblings birthdates are forever etched and engraved in my heart. However, yours was really quite unique and up til now, I still marvel how we were able to pull it through,” sabi ni Isabel.

Samantala, sa kabila ng pagiging challenging ng kanyang panganganak kay Baby Forest, maituturing naman ni Isabel na napaka-espesyal para sa kanya ang araw na iyon. Labis-labis din ang pasasalamat ni Isabel sa Panginoon dahil nagawa nilang malampasang itong mag-ina.

Ani Isabel, “Giving birth to you during this p@ndemic was really challenging, my precious, but thank God we made it.”

Credit: @isabeloliprats Instagram

Nangako naman si Isabel na pagsisikapan niyang maging “best” para sa kanyang mga anak.
Bukod kay Forest ay may dalawang anak pa ang celebrity couple na sina Feather at Freedom.