Isang taon matapos niyang simulan ang kanyang fitness journey ay halos bumalik na ang pre-pregnancy shape ng katawan ng aktres na si Isabel Oli.
Credit: @isabeloliprats Instagram
Ibinahagi naman ng celebrity mom sa marami ang kanyang fitness journey isang araw pagkatapos niyang ipagdiwang ang kanyang ika-40 kaarawan nitong Oktubre 20.
Nag-post si Isabel sa kanyang Instagram ng mga larawan niya kung saan litaw na litaw ang kanyang kaseksihan at pagiging fit.
Credit: @isabeloliprats Instagram
Sa caption, sinabi ni Isabel na nais niyang magbigay ng inspirasyon sa mga kapwa niya ina na gusto ring manatiling fit.
Kwento ni Isabel, “My fitness journey began October 11.2020. Back then, I was really starting to get frustrated cause I felt that as I aged, losing my body fats is getting harder and harder. I badly wanted to get back in shape, but honestly, the push and motivation to start doing it is really a huge challenge.”
Credit: @isabeloliprats Instagram
Ayon kay Isabel, ang kanyang pagmamahal sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya ang nag-udyok sa kanya para sa wakas ay simulan ang kanyang fitness journey.
“Well, sa akin, I just had to decide to do what’s best for me and for my family. I need to keep reminding myself that I should prioritize my well-being so I could really take care my precious ones at home,” aniya.
Para naman kay Isabel, madali lamang magsimula kung talagang inspirado kang simulan ang isang bagay. Ngunit ang pinakamalaking hamon umano talaga ay kung paano ipagpatuloy ang iyong nasimulan.
Credit: @isabeloliprats Instagram
Aminado naman siyang may mga araw na tinatamad siyang mag-workout. Kaya labis na lamang niyang ipinagpapasalamat na mayroon siyang support system na siyang nagtutulak sa kanyang ipagpatuloy ang kanyang fitness journey. Isa na umano rito ang mister niyang si John Prats.
“Truth be told…There are times na tinatamad ako. One thing that helped me though when this happens is the push I get from those people who care about me, my hubby, my close friends, even my fitness coach. I thank God that they’re there to constantly keep me motivated and determined,” pag-amin ni Isabel.
Credit: @isabeloliprats Instagram
Marami namang napagtanto si Isabel sa kanyang fitness journey. Isa na rito ang katotohanang ang pagkakaroon ng payat na pangangatawan ay hindi nangangahulugang nasa mabuting kondisyon ang katawan ng isang tao.
Giit pa ni Isabel, “A good sense of well-being happens when we are able to provide care an nourishment for our spiritual, physical, mental, and emotional health. If we only care for one area and neglect the others, imbalance occurs.”
Credit: @isabeloliprats Instagram
Sa huli, inihayag ni Isabel na marami pa siyang kailangang pagdaanan bago tuluyang ma-achieve ang kanyang fitness goal. Gayunpaman, masaya umano siya dahil kahit papaano ay nakagawa siya ng “progress” sa kanyang fitness journey.