Isabelle Daza, aminadong privileged siya sa pagiging anak ni Gloria Diaz pagdating sa tinahak na karera sa showbiz

Hindi lahat ng taong kabilang sa mundo ng showbiz ay pare-pareho ng sitwasyong pinagdaanan katulad na lamang ng pagsisimula sa pinakababa at dahan-dahang pag-angat sa kasikatan dahil sa patuloy nilang pagpupursige dahil mayroon namang iilan sa kanila na dire-diretso talaga ang progress katulad na lamang ni Isabelle Daza na aminadong sobrang blessed niya sa kanyang career bilang isang aktres.

Credit: @isabelledaza Instagram

Babae man o lalaki, bata man o matanda ay lahat talaga tayo ay nakatutok sa “Miss Universe” pageant kaya naman talagang updated tayo sa kung sino ang nananalo at bagama’t ilang dekada naman ang nakakalipas ay tandang-tanda pa rin ng karamihan sa atin kung paano naging icon si Gloria Diaz dahil siya lang naman ang kauna-unahang Filipina na nag-uwi ng korona sa Pinas dahilan kung bakit patuloy siyang tinitingala ng lahat.

Credit: @isabelledaza Instagram

Kahit na’y hindi man sumunod sa naging yapak ng kanyang “beauty queen” na ina si Isabelle Daza, tinahak naman niya ang daan sa industriya ng showbiz kung saan siya labis na nag-excel bilang isang mahusay na aktres at TV host.

Simula nang pinasok ni Isabelle ang showbiz, hindi naman niya kailanman inilihim na anak siya ng icon na si Gloria Diaz pero imbes na iasa na lamang ang lahat sa fame at connections ng kanyang ina ang lahat, pinatunayan naman ng aktres na “she has what it takes” para makilala bilang isang mahusay na artista.

Credit: @isabelledaza Instagram

Sa tagumpay at kasikatang tinatamasa ngayon ni Isabelle, hindi naman niya itinatanggi na maswerte at “privileged” siya sa napiling career dahil sa reputation ng kanyang Mommy Gloria sa showbiz na naikuwento niya sa interview ng “Toni Talks” kumakailan lamang.

“I’m very privileged. I’m not gonna discredit that. Parang my mom paved the way for me to have a career in showbiz but my mom also says na ‘You really have to prove yourself na make your own mark’ and alam mo naman sa showbiz na you can’t just live on your family’s name but I’m definitely privileged with that,” pahayag ni Isabelle.

Credit: @isabelledaza Instagram

Kahit na’y anak man ng isang iconic na “beauty queen” at ng kauna-unahang Filipina na nagwagi sa Miss Universe noong 1969, nananatili namang mapagkumbaba si Isabelle. Sa katunayan, mas lalo lamang siyang na-inspire na patunayan ang sarili at ang kakayahan sa pag-arte para makilala siya ng lahat bilang siya at hindi lamang dahil sa kung sino ang kanyang Mommy Gloria Diaz at sa career na nabuo ng aktres, masasabi naman na na-earn niya ang lahat ng meron siya ngayon.