Hindi talaga kapani-paniwala sa tuwing naririnig natin ang mga kuwentong kahit na’y galing man sila sa isang mayaman at kilalang pamilya ay lumaki lamang silang simple, mapagkumbaba, at disiplinado pero sa experience ni Isabelle Daza ay hindi talaga natin mapigilan ang sarili na humanga sa method ni Gloria Diaz sa pagpapalaki ng kanyang mga anak.
Credit: @its.gloriadiaz Instagram
Sa edad na 18, nakagawa na ng history si Gloria Diaz dahil siya lang naman ang kauna-unahang Filipina na nanalo sa “Miss Universe” noong 1969 dahilan kung bakit kahit maraming taon naman ang lumipas ay nananatili pa rin siyang icon sa mundo ng pageantry pati na rin sa showbiz.
Maliban sa pagkakakilanlan ng karamihan kay Gloria Diaz bilang isang “beauty queen” at iconic na aktres sa kanyang henerasyon, naikuwento naman ng kanyang panganay na si Isabelle Daza kumakailan lamang kung sino at anong klaseng ina nga ba sa likod ng kamera.
Sa recent na episode ng “Toni Talks,” naikuwento ni Isabelle kung paano sila pinalaki ng kanilang Mommy Gloria na talaga namang nagpa-shookt sa netizens dahil taliwas umano sa kanilang pag-aakala ang naging istilo ni Gloria sa pagpapalaki ng mga anak.
Credit: @its.gloriadiaz Instagram
Pagkukuwento ni Isabelle, hindi umano nila na-feel ng kanyang mga kapatid na mayaman sila dahil sa humble at simple nilang pamumuhay.
“Growing up with my mom, never naming na-feel na sobrang yaman or whatever. Aircon nga, hindi kami allowed. When we go to a restaurant, hindi kami allowed mag-order ng drinks, ‘yung gano’n,” pagbabalik-tanaw niya.
Pagbabahagi pa ng aktres, hindi umano siya aware na “Miss Universe 1969” ang kanyang Mommy Gloria hanggang nalaman niya ito mula sa kanyang teacher noong siya’y Grade 3 pa lamang dahil hindi umano niya kailanman nakita ang sash at korona sa kanilang bahay.
Credit: @its.gloriadiaz Instagram
Dahil sa naging istilo ng kanyang Mommy Gloria sa pagpapalaki sa kanilang magkakapatid, ibinahagi rin ni Isabelle na ganoon din siya ngayong isa na siyang ina.
“I’m like that also. My mom before she told me, ‘It’s easier to say yes than no’ and I never understood it tapos now that I’m a Mom, oo nga,” aniya.
Credit: @its.gloriadiaz Instagram
Maliban sa pagkakakilanlan nating lahat kay Gloria Diaz bilang isang icon, isa rin pala siyang dedicated na Momshie na nagbigay ng napakalaking impact sa kanyang mga anak dahil siya lang naman ang inspirasyon ni Isabelle Daza ngayong isa na siyang Mommy.