Isabelle Daza, ipinagbubuntis ngayon ang pangalawang anak nila ng kanyang French husband na si Adrien Semblat

Sa kabila ng mga negatibong bagay na nangyari ngayong taon, marami pa ring dapat ipagdiwang ang TV actress-model at businesswoman na si Isabelle Daza at ang kanyang French husband na si Adrien Semblat. Ngayong taon dumating kina Isabelle at Adrien ang kanilang ikalawang anak.

Credit: Isabelle Daza Instagram    

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Isabelle na siya ay kasalukuyang buntis sa ikalawang anak nila ni Adrien.

Ibinunyag ni Isabelle ang magandang balita sa pamamagitan ng pagpo-post sa kanyang Instagram ng isang larawan kung saan ay makikita ang kanyang 21 linggo nang tiyan.

Credit: Isabelle Daza Instagram

Sa larawan ay litaw na litaw ang baby bump ni Isabelle dahil sa kanyang suot na sportswear na mula sa activewear clothing line na “Recess” na sinimulan mismo nila ng kanyang kaibigan na si TV actress Anne Curtis.

Saad ni Isabelle sa caption, “We wanted to create a maternity legging that was inclusive of all lifestyles (even lying on the couch) at an approachable price. ❤️💙🧡💚💜 The Future-is-here legging is now available at @our.recess own website (link in bio) 🤰🏻 btw 21 weeks today”

Credit: Isabelle Daza Instagram

Matapos inanunsyo ni Isabelle ang kanyang pagbubuntis, bumuhos agad ang congratulatory messages sa comment section ng kanyang Instagram post mula sa kanilang malalapit na kaibigan. Kabilang sa mga excited na sa baby number 2 nina Isabelle at Adrien ang mga kaibigan nila sa showbiz na sina Raymond Gutierrez, Ryan Agoncillo, Mariel Rodriguez, Solenn Heaussaff at Ellen Adarna.

Samantala, kasalukuyan pa ring nananatili si Isabelle sa Hong Kong kung saan ay nagtatrabaho ang kanyang asawa.

Credit: Isabelle Daza Instagram

Sa mga hindi nakakaalam, ang asawa ni Isabelle ang siyang tumatayong Vice President ng Adidas at Reebok sa Hong Kong at Macau.

Kasama ni Isabelle na pumunta sa Hong Kong ang dalawang taong gulang na anak nila ni Adrien na si Baltie o Balthazar Gabriel.

Credit: Isabelle Daza Instagram

Tulad ng nakikita sa kanyang mga post sa Instagram, si Isabelle ay masayang nakatira ngayon sa Hong Kong at isa-isang pinapasyalan ang maraming magagandang lugar sa nasabing banyagang bansa kasama ang kanyang mag-ama.

Credit: Isabelle Daza Instagram

Ikinasal sina Isabelle at Adrien noong 2016 sa Italy.