Isang bride, naiyak sa tuwa nang si Lea Salonga mismo ang umawit ng paborito niyang awitin sa kanyang kasal

Isa ang Disney sa mga nagbigay sa atin ng kauna-unahan nating fairytale kaya kahit maraming taon man ang lumipas ay hindi talaga maitatanggi na forever na parte ng ating kabataan ang Disney.

Kung may iilan man sa atin na tila’y nag-outgrown na sa Disney, mayroon namang mga tao na kahit isa nang ganap na grown-up ay nananatili pa rin na isang ultimate na fan ng Disney princesses at movies katulad na lamang ng isang bride na nagkaroon lang naman ng “magical moment” sa araw ng kanyang kasal nang hinarana siya ng nag-iisang Lea Salonga.

Sa larangan ng musika, isa talaga si Lea sa mga pride ng Pinas dahil labis lang naman siyang nakilala bilang ang taong nasa likod ng bawat pagkanta ng iilang Disney princesses katulad na lamang nina Fa Mulan at Jasmine sa pelikulang “Aladdin” dahilan kung bakit nananatili siyang icon.

Dahil sa pambihirang talento ni Lea sa pagkanta ay tinagurian siyang “Broadway Diva” at hanggang ngayon ay patuloy na tinitingala at hinahangaan ng karamihan pati na ng kapwa niya singers.

Sa kasikatan ng isang Lea Salonga, imposible talaga na mapakanta siya sa isang wedding pero matagumpay lang naman itong naisakatuparan ng ama ng bride na siyang nag-imbita sa “Broadway Diva” dahil isa umanong fan ng Disney ang kanyang anak.

@mattandmeredithfilms This father of the bride planned the surprise of a lifetime for his daughter at her wedding! Kaitlyn grew up a huge Disney fan and loved the song “A Whole New World” from the movie Aladdin. At her wedding, her Dad hired Lea Salonga, the actress who was the singing voice for Jasmine in the original Aladdin film, to sing “A Whole New World” for their Father-Daughter dance! Such an unbelievable moment that they will remember forever! . . . #weddingsinger #leasalonga #awholenewworld #aladdin #disneysongs #weddingfilm #weddingfilmmaker #fatherdaughterdance #charlestonwedding #weddinginspo #weddingreception #goodmorningamerica #todayshow #nytimesweddings #brides #caratsandcake #usatoday #disney ♬ original sound – Matt & Meredith Films

Sa video na kasalukuyan ngayong trending sa Tiktok, mapapanood kung paano ginulat ni Lea ang bride. Bago niya simulan ang kanyang pagkanta ng “A Whole New World” na siyang theme song sa “Aladdin,” ipinakilala muna niya ang kanyang sarili at labis na nagpapasalamat dahil naimbitahan siya sa isang joyous at precious na event.

“If you don’t know who I am, my name is Lea Salonga and I have done the singing voices for two Disney princesses which is why I’m here. Lucky for us that because she’s such a big Disney fan, a couple of her favorite songs happened to be the ones that I got to do,” saad ni Lea.

Dagdag pa niya, “So this first one, I’d like to dedicate to the both of you as you do your daddy-daughter dance. I think we’re gonna cry up here when this happens. This is such a pleasure for us to do a ‘Whole New World’ for you.”

Ilang beses na nating nasaksihan si Lea Salonga na kumakanta pero tila’y bago pa rin talaga sa pandinig sa tuwing naririnig natin ang kanyang boses lalo na para sa hinaharana niyang bride dahil hindi lang naman nito napigilan ang sarili na maiyak at ma-touch dahil sobrang magical lang naman kasi ng moment na ito.