Kung iisipin, napakalaki ng agwat natin sa mundo ng sikat na celebrities ngunit mayroon din namang mga pagkakataon na pinakukrus ang ating landas. Kaya naman talagang hindi natin lubos mapangalanan ang ating nararamdaman kapag nakita natin ang ating iniidolong artista.
Credit: @jerichorosalesofficial Instagram
Maaaring sa mall, restaurant o hindi kaya’y sa ibang publikong lugar tayo nagkakaroon ng malaking chance na ma-meet ang ating idol katulad na lamang ng isang fan na sinuwerteng nakita si Jericho Rosales habang naghahanap ito ng store sa napakalaking resturant chain.
Isang saleslady sa California Pizza Kitchen sa EDSA Shangrila si Dianne Adriano at katulad ng kapwa niyang fans, hindi rin siya lubos makapaniwala nang nakita ang kanyang iniidolong aktor habang nasa kalagitnaan siya ng kanyang trabaho kaya naman ang unang ginawa niya ay humiling na magkaroon silang dalawa ng picture.
Credit: Dianne Adriano Facebook
Dahil nasa kalagitnaan ng paghahanap ng store, pinahintay umano siya ni Jericho. Madalas naman na nangyayari ito kapag nakikita ng isang fan ang kanilang idol sa publikong lugar at dahil ayaw na makaagaw ng atensyon ay inakala ni Dianne na tinanggihan siya ng aktor. Ngunit taliwas sa kanyang pag-aakala, binalikan umano siya ni Jericho matapos ang 30 minuto at tinupad ang hiling niyang makapagpa-picture.
Credit: Dianne Adriano Facebook
Talagang labis ang paghangang naramdaman ni Dianne sa kabutihang ginawa ng aktor.
“OMG!! Binalikan niya ko! Hahahaha,” sabi ni Dianne.
Sa bibihirang pagkakataon na ito, talagang hindi pinalagpas ni Dianne na ikuwento ang pangyayaring ito sa friends niya sa Facebook kalakip ng larawan niya kasama si Jericho.
Credit: Dianne Adriano Facebook
Bilang isang sikat na aktor na mayroong isa sa mga pinakamalaking fandom sa mundo ng showbusiness, sanay na talaga ni Jericho na marami ang makakakilala sa kanya kapag nasa isang pampublikong lugar siya at imbes na itaboy si Dianne, walang pasubali niyang tinupad ang hiling nitong makapagpa-picture.
Of course, upang mas maging memorable ang pagkikita ng isang fan at ng kanilang idol, talagang humihiling sila na magkaroon ng picture kasama ang kanilang iniidolong artista katulad na lamang ng ginawa ni Dianne nang nakita si Jericho.
Credit: Dianne Adriano Facebook
Super layo naman ang naabot ni Jericho at isa naman ngayong successful na aktor, malaki pa rin ang kanyang pagpapahalaga sa kanyang fans na mula pa man noon hanggang ngayon ay walang-sawa siyang sinusuportahan.