Isang grupo ng mga estudyante, gumawa ng isang guwantes na kayang bigyang boses ang mga may kap@nsanan sa pandinig at pagsasalita!

Pinabilib ng isang grupo ng mga mag-aaral mula sa Camarines Sur Polytechnic College ang maraming netizens dahil sa kanilang pinakabagong proyekto na isang pares ng guwantes na kayang bigyan ng boses ang Filipino Sign Language.

Credit: @deguzmanfrancis22 Facebook

Nag-viral kamakailan ang ginawang pares ng guwantes ng mga mag-aaral matapos ibahagi ng isa nilang miyembro sa Facebook ang kanilang video presentation upang ipakilala ito.

Ang nasabing guwantes ay para umano sa thesis ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Electrical Engineering sa nasabing paaralan na kinilala naman bilang sina Francis Anthony B. de Guzman, Rency G. De La Cruz, Joana Renz G. Jimenez, Klenn Arvin V. Alcibor at Andrea N Moran.

Credit: @deguzmanfrancis22 Facebook

Ang nasabing video presentation ng grupo na ipinost ni Francis Anthony ay umani na ng mahigit 600K views, 98K reactions, 39K shares at 2.6K comments sa panahong isinusulat ang artikulong ito.

“Introducing our Thesis entitled “Filipino Sign Language to Voice Converter”. A trainable gloves that can interpret Filipino sign language and convert it into speech,” sulat ni Francis Anthony na siyang nag-upload sa nasabing video presentation.

Ipinaliwanag naman ni Francis Anthony kung paano nila nabuo ang nasabing pares ng mga guwantes.
Ayon kay Francis Anthony na siya ring tumatayong leader ng grupo, ang mga guwantes ay mayroong flex sensors para mabasa ang galaw ng mga daliri. Bukod dito, mayroon ding nakakabit na MPU 6050 sa bawat guwantes para naman sa angular rotation ng kamay.

Credit: @deguzmanfrancis22 Facebook

Para naman sa mga nagtataka kung paano nasasalin ng guwantes ang Filipino Sign Language sa pagsasalita, ibinahagi ni Francis Anthony na ang data na mula sa guwantes ay ipinapasa gamit ang wifi papunta sa isang computer para i-proseso ang mga ito.

Credit: @deguzmanfrancis22 Facebook

Ibinahagi naman ng isa pang miyembro ng grupo na ginawa nila ang mga guwantes para matulungan ang mga taong hindi nakakarinig at may problema sa pagsasalita. Giit nito, makakatulong ang kanilang proyekto para mabigyan ng pagkakataon ang mga may kapansanan sa pandinig at pagsasalita para umunlad sa kanilang karera sa buhay.

Aniya, “This project gives voice to the deaf and speech impa!red people. With this, the communication barrier can be lessen, allowing the deaf and speech impa!red people to express themselves and give them opportunity to grow in their respective careers.”

Credit: @deguzmanfrancis22 Facebook

Dahil nga sa ipinakitang galing sa siyensya at teknolohiya ng mga mag-aaral kaya naman hinangaan sila ng maraming netizens sa social media.