Isang kapuso actor, na-starstruck nang unang maka-eksena sa isang teleserye ang batikang aktres na si Nova Villa

Balik-taping ang buong cast ng upcoming romantic-comedy series ng Kapuso network na “Owe My Love” matapos matigil ng ilang buwan dahil sa mga ipinapatupad na l0ckdown.

Credit: @benxalves Instagram    

Nitong November 18, sumabak muli sa taping ang mga bida ng Kapuso serye sa pangunguna ng lead casts nito na sina Lovi Poe at Benjamin Alves.

Credit: @benxalves Instagram

Mahigit isang buwan din na sasabak sa lock-in taping ang buong cast ng “Owe My Love” dahil pa rin sa mga patakaran na sinusunod bilang pag-iingat sa banta ng c0vid.

Sa serye ay gagampanan ni Lovi ang karakter ni Sensen Guipit na gipit sa pera at si Benjamin naman ay gaganap bilang ang hot doctor na si Migs Alcancia. Magku-krus ang landas ng dalawang bida dahil sa pag-ibig at pera.

Credit: @benxalves Instagram

Puro mahuhusay at talaga namang kaabang-abang ang iba pang artista na bibida sa Kapuso rom-com.

Kamakailan nga ay may ibinunyag si Benjamin tungkol sa isang kasamahan niya sa serye na si veteran actress Nova Villa. Gumaganap sa serye si Nova bilang lola ni Sensen na si Mama Eps.

Sa isang Facebook post ay ikwenento ni Benjamin na sa unang eksena nila ng veteran actress ay na-starstruck umano siya rito.

Credit: @benxalves Instagram

Ani Benjamin sa kanyang post, “I had to pause between our first scene together. Talking to myself, I blurted “grabe kasama ko legend. I quickly realized I had a lapel and turned to our audio-man who nodded and smiled in approval.”

Dagdag pa ni Benjamin, “Starstruck ako kay Miss Nova Villa.”

Credit: @vscelebrities Instagram

Sa edited version naman ng nasabing post ni Benjamin ay sinabi niya na parang nanay umano niya sa set si Nova. Aniya, “Ang sarap nung parang may Nanay ka sa set.”

Kwento pa ni Benjamin, isa siya sa mga tao na lumaki na pinapanood ang ‘warmth’ at ‘sweetness’ ni Nova sa telebisyon.

Credit: @vscelebrities Instagram

Sa susunod na taon na nakatakdang ipalabas sa Kapuso Telebabad ang “Owe My Love”. Maliban kina Lovi, Benjamin at Nova mapapanood din sa serye sina Aiai Delas Alas, Winwyn Marquez, Leo Martinez, Jackie Lou Blanco, Long Mejia, Pekto Nacua, Brod Pete, Kiray Celis at marami pang iba.