Isang loyal na kasambahay ang binigyan ng isang bagong bahay ng kanyang artistang amo bilang pasasalamat

Naging emosyonal ang kasambahay ng mag-asawang Dimples Romana at Boyet Ahmee na si Ate Vilma o tinatawag din nilang Ate V matapos nila itong surpresahin ng isang bagong bahay.

Credit: Dimples Romana Official YouTube          

Sa kanyang vlog episode nitong October 16, ay nagsagawa ng “house tour” sina Dimples at Boyet sa kanilang bagong biling property. Ngunit ang sinasabi nilang “house tour” ay isang alibi lang pala maisakatuparan nila ang kanilang sopresa para sa kasambahay.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Sa simula ng vlog ay ikinuwento muna nina Dimples at Boyet kung gaano ka-importante sa kanila si Ate V. Ayon sa mag-asawa, sa tagal umano nang paninilbihan ni Ate V sa kanilang pamilya ay itinuturing na umano nila itong isang kapatid at kapamilya.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Inamin din ni Dimples na akala umano ni Ate V na kaya nila siya isinama sa kanilang bagong property na binili ay para hingiin lamang ang kanyang opinyon kung ‘approved’ ba sa kanya ang bahay.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Nakasanayan na daw kasi nilang mag-asawa na hingin ang opinyon ni Ate V kapag may bagong property silang bibilhin.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Sa kanilang house tour, ay sinuri ni Ate V ang bawat parte ng bahay kabilang dito ang sala, kitchen at restrooms. Para naman kay Ate V, pasok daw sa kanyang panlasa ang bahay.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Hanggang sa dumating na nga sila sa isang kwarto kung saan ay walang kamalay-malay si Ate V na may magandang sorpresa pa lang naghihintay sa kanya.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Pagkabasa pa lang ni Ate V sa mga salitang “OO PARA SA IYO ITO” na nakadikit sa pader ay agad na itong naiyak sa kasiyahan.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

“Hala! Para sa akin ba ‘yan? Hala….Bakit ako? Hindi ko inaasahan…Akala ko ba papa-rentahan?,” naiiyak na sambit ni Ate V.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Pati si Dimples at Boyet ay naiyak na rin nang makita kung gaano kasaya si Ate V sa kanilang inihandang sorpresa.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Pagkatapos ng sorpresa, ay nagkuwento si Dimples kung gaano kalaki ang kanilang pasasalamat kay Ate V.

Sa loob kasi raw ng 17 taong paninilbihan ni Ate V sa kanila ay kailanman hindi sila nito iniwan kahit pa may mga pagkakataon na hindi nila ito nasu-swelduhan.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Kaya umano naisip nilang mag-asawa na bigyan ng isang bahay si Ate V bilang sukli sa serbisyo at pagmamahal na ipinakita nito sa kanilang pamilya.

Ani Dimples, “May mga buwan na hindi ko na-swelduhan ‘yang si Ate V. Late kami nag-suweldo kasi abot-abot ‘yung bills namin ni Boyet… Pero ‘yang si Ate V, never siyang umalis sa amin. Na-appreciate ko, Ate V. Kaya, it’s payback time.”

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Sa huli ay saad ni Ate V, “Sobrang gulat ko maraming-maraming salamat sa inyo, Dimps. First time kong lumabas na hindi ko akalain na ito ang maihaharap ko ngayong araw na ito. Maraming-maraming salamat Dimples, Boyet, Callie at Alonzo.”