Malaking pinsala ang iniwan ng nagdaang bagy0ng Ulysses sa probinsiya ng Cagayan. Kaya naman para matulungan ang mga kababayan natin na nasalanta ng bagy0 at naapektuhan ng matinding pagbaha sa probinsiya, nagtulong-tulong ang magkasintahang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa pangangalap ng mga donasyon na ipapadala nila sa mga nasalanta ng bagy0ng Ulysses sa Cagayan.

Sa kanilang social media account ay inanunsyo ni Jennylyn na isang truck na may lamang 25 toneladong donasyon ang ipapadala nila sa Cagayan.
Tinawag nila Jennylyn at Dennis na “Startruck” ang truck na kayang magkarga ng 25 toneladang relief goods.
View this post on Instagram
At kahit naman may inihanda na sina Jennylyn at Dennis na 1000 bag ng relief goods ay may malaking espasyo pa rin umano ang pwede pang paglagyan ng mga donasyon. Kaya naman nanawagan ang magkasintahan sa mga gustong tumulong o mag-donate para mapuno na ang “Startruck”.

Ani Jennylyn sa kanyang Instagram post, “BESSIES, HELP US FILL THIS ULTIMATE STARTRUCK FOR CAGAYAN SURV!VORSβ Calling for your help na punuin natin ng donation itong truck na ito para sa mga nasalanta ng bagy0ng Ulysses sa Cagayan! Bukod sa mismong truck, may hinahanda na kaming 1000 bags of relief goods. Bilang ang laki nito, there’s room for more donations!”
Tumatanggap ng anumang klaseng donasyon o tulong sina Jennylyn at Dennis para sa mga b!ktima ng bagy0 sa Cagayan.

Aniya, “Help us provide for the vulner@ble and displaced families left in Tuguegarao through @litterbucks’ cookies for a cause, or by sending your monetary or in-kind donations to Litterbucks bago umalis ang team namin papuntang Cagayan next Friday. Wala pong maliit na tulong! YOUR HELP WILL GO A LONG WAY. π”

Maging si Dennis ay nag-post din sa kanyang Instagram at hinikayat ang lahat na magkaisa sa pagtulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagy0 sa Cagayan.
Saad ni Dennis sa kanyang post, “Marami pa ring Cagayanos ang nangangailangan ng ating tulong matapos manalasa sa kanila ang bagyong Ulysses. Hayaan niyong maging daan kami para madala ito sa kanila sa pamamagitan ng truck na ito.”
View this post on Instagram
Dagdag pa ng aktor, “Magkaisa tayo na ipadama na nag-uumapaw at punong punong pagmamahal natin sa kanila sa pamamagitan ng pag-donate at pagpuno ng truck na ito ng kinakailangang nilang pagkain o supplies. Mas maagang maipaabot ang tulong ay mas maaga ring makakalarga ang truck na ito papunta sa kanila.”

Pinuri naman ng mga netizen sina Jennylyn at Dennis dahil sa kanilang malasakit at inisyatibo para tulungan ang mga kababayan natin na nasalanta ng bagy0 sa Cagayan.