Isang painting na ginawa ni Heart Evangelista, nagkakahalaga ng P149M!

Kamakailan lamang, bukas na nagkwento ang aktres na si Heart Evangelista tungkol sa kanyang hilig sa pagpipinta sa Part 2 ng kanyang panayam kasama ang reporter na si Karen Davila.

Credit: @iamhearte Instagram

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na bukod sa pagiging isang aktres at social media influencer, isa ring mahusay na painter si Heart.

Credit: @iamhearte Instagram

Ibinunyag nga niya sa vlog ni Karen kung paano siya nagsimula sa mundo ng pagpipinta. Aniya, “It was an acc!dent because I just stopped thinking of what I needed to do for my career. So, I just started to paint.”

Credit: @iamhearte Instagram

Sa kabilang banda, inamin ni Heart na kumikita siya ng maraming pera sa pagpipinta, lalo na sa pagpipinta ng mga mamahaling bag, na pansamantala muna umano niyang hininto.

Credit: @iamhearte Instagram

“Yes, I get a lot…a bulk of my money (from painting) especially with bags but I stopped it because I want it to be a limited edition,” paglalahad ni Heart.

Sa vlog ni Karen, ipinasilip din ni Heart ang ilan sa kanyang mga obra. Isa rito ang isang set ng painting ng iba’t ibang mukha ng mga kababaihan na kung ibebenta umano niya ay nagkakahalaga ng P6 milyon. Ngunit wala umano siyang balak na ipagbili ito dahil sa “time and effort” na kanyang ibinuhos sa pagpipinta nito.

Credit: @iamhearte Instagram

Sinagot naman ni Heart sa vlog ni Karen kung saan niya kinukuha ang perang ipinambibili niya ng mga mamahaling gamit para sa kanyang sarili.

Credit: @iamhearte Instagram

Ayon pa kay Heart, kinukuha niya mula sa kanyang kinikita sa pagpipinta ang perang ginagastos niya para sa pagbili ng mga bagay na gusto niya tulad ng mga luxury bag.

Credit: @iamhearte Instagram

“A lot of my expenses, like from my bags and stuff, come from my paintings because it started as ‘Don’t touch your savings, you can only spend your painting money,’” pagbubunyag pa ni Heart.

Samantala, nalula naman ang maraming netizens sa halaga ng isang painting ni Heart na plano niyang gawing isang digital art para ipagbili bilang isang NFT o Non-fungible token art.

Credit: @iamhearte Instagram

Kwento ni Heart, ang nasabing painting ay nagkakahalaga umano ng 3 million dollars o humigit-kumulang P149 milyon sa mundo ng NFT.

Para sa mga hindi nakakaalam, ang NFT art ay isang digital version ng isang tunay na bagay tulad ng isang painting na maaaring ipagbili online at bilhin gamit ang cryptocurrency.

Credit: @iamhearte Instagram

Nilinaw naman ni Heart na hindi muna niya ipinagbibili sa ngayon ang kanyang artwork dahil inihahanda umano niya ito para sa bagong art collection na kanyang ilalabas.