Isang reporter, naghatid katatawanan dahil hindi napigilang matawa sa kanyang naging blooper

Marami sa atin ang hindi maiiwasan magkamali kahit gaano man tayo kabihasa sa ginagawa o kahit gaano kasipag pa magensayo sa ginagawa. Pero ano ang gagawin mo kung bigla kang nagkamali at di mo mapigilang matawa sa pagkakamaling nagawa mo?

Credit: @louisaerispe Instagram

Ito ang nangyari sa reporter na si Louisa Erispe na kamakailan ay naging usap-usapan dahil sa kanyang naging reaksyon nang ma-realize niya ang mali niyang nasabi habang live na nagbabalita. Si Louisa ay isang reporter ng PTV-4 at nangyari ang blooper habang nagrereport siya para sa Rise and Shine Pilipinas.

Noong araw ng Ash Wednesday ay nagtungo ang team ni Louisa sa Quiapo Church para magbigay ng live na ulat tungkol sa nangyayari doon.

Habang seryosong nagrereport ay biglang nasambit ng reporter ang salitang “tindahan” imbes na “simbahan”.

“Makikita natin na kahit nasa labas sila ng tindahan…” ito ang mga katagang nasabi ng reporter sa kanyang blooper.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KBLSTGN (@kabulastugan)

Makikita sa video na sinubukan ng reporter na iwasang matawa sa pagkakamaling nagawa sa pamamagitan ng pagtalikod sa camera at pagtago ng kanyang reaksyon. Kahit anong gawin ng reporter ay hindi talaga niya mapigilang matawa habang ipinagpapatuloy ang pagbibigay ng kanyang ulat.

Sinubukang tapusin ng reporter ang kanyang ulat habang natatawa, “At iyan na muna ang latest…”

Credit: @louisaerispe Instagram

Maging ang news anchor na nasa studio at ang sign language interpreter ay hindi napigilang mapangiti at matawa sa nagawang blooper ng naturang reporter.

Credit: @kabulastugan Instagram

Pagkatapos ng nangyari ay hindi naman ito pinalagpas ng reporter na si Louisa at nagpost sa Instagram hinggil sa nangyari.

“Yes, i’m that sab0wg girl. LF: Tindahan na mapupuntahan,” pabirong sinabi ni Louisa.

Credit: @kabulastugan Instagram

Dinagdag din niya sa kanyang post na hindi naman siya nawalan ng trabaho dahil sa nangyari.

“Chariz. G00d vibes lang tay0 [heart emoji] mahalaga empl0yed pa rin ako [laughing emoji]”

Credit: @kabulastugan Instagram

Bukod sa PTV-4 reporter na ito ay marami pa din ibang mga reporter at news anchor ang nakagawa ng blooper habang live sa telebisyon na labis nagdala ng katatawanan sa kanilang mga manonood.