Napakabilis talaga ng panahon dahil ngayong araw, November 7, ay ipinagdiriwang ng panganay na anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan ang kanyang ika-16 na taong kaarawan.
Bago ang araw ng kanyang kaarawan ay dinala si Yohan ng kanyang Mommy Juday sa isang sikat na skin care clinic.
Nagpunta ang mag-ina sa The Aivee Clinic, kilalang skin care clinic ng mga celebrity para i-pamper ng kanilang balat.
Sa Instagram story ng The Aivee Clinic, ay mapapanood si Judy Ann at Yohan na masaya at excited para sa kanilang mother-and-daughter-bonding.

November 6 naman ng gabi ginanap ang masayang birthday party ni Yohan. Dahil sa p@ndemya, isang zoom birthday party muna ang inorganisa nina Judy Ann at Ryan para kahit papaano ay makasama ni Yohan ang kanyang mga kaibigan at mga kaklase.

Sa isang video na ibinahagi ni Judy Ann ay makikita si Yohan na excited na excited para sa kanyang virtual birthday party.
Dahil floral-themed ang party siyempre nakasuot si Yohan ng isang flower crown. Kapansin-pansin naman na dalagang-dalaga na talaga si Yohan sa suot nitong pink off shoulder ruffle top.

Makikita rin sa video ang mga pastel color balloon at mga dried flower na nagsilbing backdrop ng Zoom party ni Yohan.
Isang donut tower naman ang nagsilbing birthday cake ni Yohan.
Sa isa pang picture ay makikita ang kasiyahan ni Yohan kasama ang kanyang mga magulang at mga nakababatang kapatid na sina Lucho at Luna.

Birthday message ni Judy Ann sa anak, “Happy birthday our dear sweet pudding! We love you!”
Bumuhos naman ang mga birthday greeting para kay Yohan mula sa mga netizen. Komento ng netizens:
“Happy birthday…beautiful”
“gandang bataππ happy birthday yohanβ€οΈπ”

“Happy birthday yohanβ€οΈ God bless youππ”
“Happy yohan sweet naman mo my daddy muπππ”
“Happy Birthday ate yohan ππΎπ·ππ”
Sa mga hindi nakakaalam, si Johanna Louis o kilala sa kanyang palayaw na Yohan ay dumating na sa buhay ni Judy Ann bago pa sila ikasal ni Ryan.

Sa edad na 26, ay nagdesisyon si Judy Ann na ampunin si Yohan. Pagkatapos nila ikasal ni Ryan ay legal na rin inampon ng aktor si Yohan.
April 28, 2009 naman nang ikasal sina Judy Ann at Ryan sa San Juan Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas. Sa ngayon, ay 10 taong gulang na ang kanilang biological son na si Lucho o Juan Luis at apat na taong gulang naman ang kanilang biological daughter na si Luna o Juana Luisa.