Ito ang buhay ngayon ng dating child star at pamangkin ni Angel Locsin na si Alyanna Angeles

Wala namang permanente sa mundo dahil nakalaan talaga ang lahat na dumaan sa pagbabago katulad na lamang kung paano dumadating at lumilisan ang mga tao. Common ito sa industriya ng showbiz kung saan ay palaging may bagong mga mukha na nakikilala ang mga tao pero paano nga ba nagagawa ng ibang tao na manatiling malinaw sa memorya ng publiko kahit na’y ilang taon rin na nilisan ang spotlight?

Credit: @alyannaangeles_ Instagram

Talagang may espesyal na lugar sa ating puso ang child stars marahil ay sa kanilang innocence na talaga namang mas nagbibigay buhay sa mundo ng showbiz at isa na nga sa mga ito ay ang batang si Alyanna Angeles.

Sa napakamura niyang edad, marami nang naging proyekto si Alyanna kaya naman talagang familiar na sa netizens ang kanyang mukha na punong-puno ng kakyutan at ka-inosentehan pero sa kalagitnaan ng kanyang lumalagong career, bigla siyang naglaho sa showbiz.

Sa tuwing may nawawala sa industriya ng showbiz, naka-destino na silang makalimutan ng publiko maliban na lamang kung nagawa nilang palawakin ang kanilang pangalan at palawigin ang kanilang reputasyon.

Credit: @alyannaangeles_ Instagram

Katulad na lamang ni Alyanna na kahit bata pa lamang, talagang nakaukit na sa puso ng publiko ang kanyang pangalan at tumatak na sa memorya ang hinding-hindi niya malilimutang mukha.

Matapos ang ilang taon na pagliban sa showbiz, muling natunghayan ng netizens ang dating child star pero napakalaki na ng pagbabago nito sa paglipas ng panahon dahil kung noo’y nag-uuumapaw ang kanyang cuteness, labis naman ang kanyang kagandahan ngayon na siya’y isa ng ganap na dalaga.

Hindi pa man tuluyang nagbabalik sa showbiz, may chance na naman ang netizens na masilayan si Alyanna dahil active naman siya sa Instagram kung saan ay patuloy siya sa pagpo-post ng naggagandahan niyang mga larawan.

Credit: @alyannaangeles_ Instagram

Matagal-tagal man na hindi nakita sa telebisyon at natunghayan ang kanyang pag-arte, masasabi pa rin na walang kupas ang angking talento ni Alyanna. Imbes, mas nag-improve pa nga siya at mapapatunayan niya ito kapag nabigyan na siya ng proyekto na panigurado namang magiging malaking break niya sa showbiz.

Iniwan man na nakanganga ang karamihan nang napagdesisyunang lisanin ang industriya ng showbiz, laglag panga naman ang netizens sa pagbabalik ni Alyanna. Posible lamang ito para sa mga batang katulad niya na may malaking potential sa mundo ng entertainment.