Tiyak na wala talagang bagay na mahirap gawin ang mga babae at pinatunayan ito ng celebrity momshies na sina Isabelle Daza, Anne Curtis, at Solenn Heussaff.
Credit: @dahliaamelieee Instagram
Nasa iisang industriya man, minsan lamang nakikitang magkasasama si Isabelle, Solenn, at Anne marahil sa kanilang busy na schedule lalo na’t pareho silang sikat na mga personalidad sa showbiz at ngayon ay may sarili ng mga pamilya.
Kung noo’y halos walang pagkakataon na makapag-bonding, talagang ginawan nina Solenn at Anne kasama ang kanilang mga asawa na sina Nico Bolzico at Erwan Heussaff na mabisita si Isabelle at ang pamilya nito habang nagbabakasyon sila sa France.
View this post on Instagram
Sa kanilang pagsasama, talagang todo sa pagca-catch up ang magkakaibigang celebrities ngunit mukhang hindi lamang ang grown-ups ang nagkakasiyahan dahil may sarili ring mundo ang kanilang mga chikiting lalo na’t nakahanap ng bagong kaibigan ang makulit at cute na magpinsan na si Thylane at Dahlia, ang anak ni Isabelle at Adrien Semblat na si baby Baltie.
Credit: @dahliaamelieee Instagram
Abala man sa kanilang mini-reunion, tutok pa rin ang mga Momshie sa kani-kanilang mga anak. Game na game rin si Solenn, Anne, at Isabelle na makipaglaro sa mga bata na labis namang kinagiliwan ng kanilang fans dahil masasabi umanong enjoy na enjoy ang magkakaibigan sa kanilang buhay bilang mommies.
Kumakailan lamang nang nagbahagi si Solenn ng maikling video sa kanyang Instagram story kung saan ay mapapanood ang paggapang nila ni Anne at Isabelle habang karga-karga sina Baltie, Thylane, at Dahlia sa kanilang likod.
View this post on Instagram
Sa video ay makikita kung paano kahusay at ka-chill si baby Dahlia habang nakasakay sa likuran ng kanyang Mommy Anne at maingat namang hinahawakan ni Solenn si Thylane upang hindi ito mahulog habang nakayakap naman ng mahigpit si Baltie sa kanyang Mommy Isabelle.
Muli namang ibinahagi ng isang fan ang nasabing video kung saan ay umani ito ng magaganda at nakakaaliw na komento sa kanilang followers.
“Nice exercise for mommies 😍😂”
“😂😂 Ka cute ng bonding 😍😍😍”
Credit: @dahliaamelieee Instagram
“hands on momshies😍”
Sumabak din sa pagsayaw ang Momshies kasama ang kanilang mga chikiting na sinamahan pa talaga ng disco lights.
Abala man sa pag-aalaga sa kani-kanilang babies, hindi naman nakakalimutan ni Anne, Solenn, at Isabelle na magkaroon ng oras para makapag-bonding.
Credit: @dahliaamelieee Instagram
“From dancing on tables in bars at 3am to park play dates with babies,” saad ni Isabelle kalakip ng ibinahagi niyang dating mga larawan nilang magkakaibigan habang nasa bar at ang bago nilang picture kung saan ay makikitang nasa park sila.
Napakabilis talaga ng panahon! Kung noo’y abala sa kanilang trabaho, labis naman ang enjoyment ng magkakaibigan sa pagsabak nila sa motherhood.