Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang siya ay naging ganap na ina, nagpaunlak ng isang panayam ang aktres na si Anne Curtis kung saan ikinuwento niya ang dahilan kung bakit napili niya at ng asawang si Erwan Heussaff na ipanganak si Dahlia Amelié sa Australia.

Ibinahagi ni Anne sa kanyang panayam sa host na si G3 San Diego na last minute ang kanilang desisyon na magpunta sa Australia para doon niya ipanganak ang anak.
Ang dahilan umano kung bakit niya napagdesisyunan na pumunta sa Australia ay dahil sa pagiging workaholic niya, na umabot na sa puntong hindi na siya mapigilan ng pamilya na magtrabaho.

Kwento ni Anne, “Actually, it was a last minute decision really. Kasi I’d already chosen a doctor and a hospital and then, parang last minute I decided na parang I was working so hard kasi. And parang hindi nila ako mapigilang mag-work. So I felt that one way that would really get me to stop working is to just kind of be here,”
Gusto rin ng aktres na nasa tabi nito ang kanyang Mommy Carmen para matulungan siya nito lalo pa’t first time mom pa siya.

“And major factor then kasi was being with my mom. Lalo na it’s my first baby and having her help me through it, ‘yun ‘yung naging parang du’n nalang ako para mas tahimik, mas quiet. I can really just focus on the first few weeks and months of my baby daughter’s life,” saad ni Anne.
Top priority din daw ni Anne ang kaligtasan ni Dahlia kaya’t hanggang ngayon ay nanatili pa rin sila sa Australia.

Aniya, “Yeah. Pero given the current situation, na-extend talaga ‘yung stay namin dito because I mean, if it was just me, no problem. Kaya kong lumipad anytime, ‘di ba? Pero now, I have a little life to think off and she is the top priority. Her safety and her health.”
Bukod pa rito, ay may magandang naidulot din para kina Anne at Erwan ang pananatili sa Australia dahil nagkaroon sila ng oras para maalagaan ang kanilang anak ng magkasama.

Saad ni Anne, “I’m here in Victoria. And we’re still in lockdown. Lockdown pa rin kami. And honestly, the silver lining of it all is that we get to spend … well, Dahlia gets both of her parents 24/7. As in 24/7. And pareho kami. So I think that’s the beauty of what’s happening now — is that we get to spend so much time with her. I mean all of our hours are dedicated to just Dahlia.”
Samantala, target ni Anne at ng kanyang pamilya na sa pagtatapos ng taon na ito ay makauwi na sila sa bansa. Nais daw ng aktres na sa Pilipinas magpasko.