Ito ang ilan sa mga nagagandahang artista na may dugong banyaga

Ang kagandahan ng mga Pinay celebrities na ito na may dugong banyaga ay talagang kamangha-mangha at nakakabighani. Ngunit bukod sa taglay na kagandahan, natatangi din ang kanilang kahusayan sa pag-arte kung kaya’t tinitingala sila ngayon. Kilalanin sila sa listahang ito:

 

1. Marian Rivera

Credit: @marianrivera Instagram     

Hindi maikakaila na isa si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa mga pinakamagandang aktres sa Philippine television. Ang kanyang kagandahan ay madalas na hinahangaan ng lahat. Utang naman ni Marian ang kanyang kagandahan sa kanyang amang si Francisco Javier Gracia Alonso, isang Espanyol at sa kanyang ina na si Amalia Rivera, isang Filipina na tubong Cavite.

 

2. Bea Alonzo

Credit: @beaalonzo Instagram

Isa si Bea Alonzo sa mga Kapamilya artist na hindi kailanman nabibigo na pahangain ang mga manonood dahil sa kanyang pambihirang talento sa pag-arte at kagandahan. Nakuha naman ni Bea ang kanyang napakagandang mukha sa kanyang British father at Filipino mother.

 

3. Angelica Panganiban

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Binihag naman ni TV actress Angelica Panganiban ang mga puso ng manonood noon bilang child actress dahil sa kanyang mala-anghel na kagandahan at husay sa pag-arte. Makalipas naman ng maraming taon ay hindi pa rin kumukupas ang husay ni Angelica sa pag-arte pati na rin ang kanyang kagandahan na nakuha niya sa kanyang biological father na isang retired U.S. Navy.

 

4. Bela Padilla

Credit: Bela Padilla Instagram

British ang ama ni TV actress Bela Padilla o Krista Elyse Hidalgo Sullivan sa totoong buhay. Ang ina naman ni Bela ay pinsan ni action superstar Robin Padilla. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit marami ang nabibighani sa mestiza beauty ni Bela at galing niya sa pag-arte.

 

5. Ellen Adarna

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Kilala si Ellen Adarna bilang isang s3xy actress. Unang pinahanga ni Ellen ang manonood nang bumida siya sa Kapamilya drama series na “Moon of Desire” noong 2014 kung saan ay naging usap-usapan siya dahil sa kanyang galing sa pag-arte. Magpahanggang ngayon naman ay hinahangaan pa rin si Ellen ng karamihan dahil sa kanyang kaseksihan at mala-gatas na kutis na namana niya sa kanyang Spanish father at Filipina mother.

Mas lalo namang naging blooming si Ellen nang maging isang ganap na ina na siya sa ang anak nila ni TV actor John Lloyd Cruz na si Elias. Sa ngayon, ay lie-low muna si Ellen sa showbiz.

 

6. Ivana Alawi

Credit: Ivana Alawi Instagram

Matapos maging viral ang kanyang mga “laba” video sa YouTube, isa na ngayon sa mga itinuturing na pinakamatagumpay na vlogger si half-Moroccan at half-Filipino Ivana Alawi o Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi sa totoong buhay.

 

7. Yassi Pressman

Credit: Yassi Pressman Instagram

Hindi naman maitatago ang dugong banyaga ni “Ang Probinsyano” star Yassi Pressman na nakuha niya sa kanyang ama na isang British descent. Sumayaw man o umarte si Yassi ay kapansin-pansin pa rin ang kanyang napakagandang mukha na kahit hindi man siya mag-makeup ay litaw na litaw pa rin.