Marami sa mga tinitingalang Pinoy celebrity ngayon ay nagmula sa mayamang pamilya sa Pilipinas.
Bago pa man mag-artista ay tinatamasa na nila ang isang marangya at magandang pamumuhay dahil sa mga pagmamay-aring negosyo o magandang trabaho ng kanilang mga magulang. Kilalanin sila sa listahang ito.
1. Dingdong Dantes

Si Dingdong Dantes o Jose Sixto Raphael Gonzalez Dantes III sa totoong buhay ay nagmula sa mayamang angkan ng mga Gonzalez sa bansa.
2. Derek Ramsay

Ang ama ni Kapuso actor Derek Ramsay ay dating miyembro ng Scotland Yard, isang premier police force sa London. Dahil dito ay may negosyo ang pamilya ni Derek na may kinalaman sa electronic-security. Bukod sa electronic-security company, ay mayroon ding mga real-estate property ang pamilya ni Derek at ilan dito ay matatagpuan sa Tagaytay, Palawan at Batangas.
3. Enzo Pineda

Galing sa isang prominenteng pamilya si Star Magic talent at “StarStruck V” alumnus Enzo Pineda. Ang ama ni Enzo na si Enrico Pineda ay isang congressman at tumatayong representative ng 1-PACMAN Party-list. Kilala rin ang ama ni Enzo bilang business manager ni boxing champ-senator Manny Pacquiao. Samantala, ang kanyang ina naman na si Macy Pineda ay isang kilalang publicist.
4. Heart Evangelista

Ang pamilya ni Kapuso actress-vlogger Heart Evangelista ang nagmamay-ari ng kilalang Barrio Fiesta restaurants sa bansa.
5. Kris Aquino

Si “Queen of All Media” Kris Aquino ay galing sa mayamang angkan ng mga Cojuangco sa Pilipinas na siyang nagmamay-ari ng kontrobersyal na Hacienda Luisita sa Tarlac.
6. Matteo Guidicelli

Bago makilala bilang isang actor, ay isang marangyang buhay na ang tinatamasa ni Matteo Guidicelli. Galing si Matteo sa mayamang angkan ng Fernan sa Cebu. Dating Cebu provincial prosecutor ang lolo ni Matteo na si Vicente Fernan. Pinsan ng kanyang lolo si dating Chief Justice at Senate President Marcelo Fernan.
7. Sharon Cuneta

Si ‘Megastar’ Sharon Cuneta ay anak ni dating Pasay mayor Pablo Cuneta na itinuturing din bilang longest-serving mayor sa Pilipinas. Ang kanyang ina naman na si Elaine Gamboa ay kapatid ni TV actress-singer Helen Gamboa.
8. Ellen Adarna

Si TV actress-model Ellen Adarna ay tagapagmana ng Queensland Hotel, pagmamay-aring hotel ng kanyang ama na mayroong maraming branch sa Cebu City. Meron ding construction business ang kanilang pamilya.
9. Lucy Torres-Gomez

Mayroong pagmamay-aring sugarcane plantation ang pamilya ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez sa Ormoc City kung saan ay tumatayong alkalde ang kanyang asawa na si Richard Gomez.
10. Maine Mendoza

Nakilala bilang si “Yaya Dub” sa Kalyeserye segment ng “Eat Bulaga”, malayo sa buhay ng isang kasambahay ang kinagisnang buhay ni Maine. Isang engineer ang ama ni Maine at accountant naman ang kanyang ina. Mayroong pagmamay-aring sariling gasoline station at fast food chain franchise ang pamilya ni Maine.