Ito ang ilan sa mga sikat na artista at singer sa Amerika na may dugong Pinoy

Maraming Pinoy artist ang patuloy na nangangarap na makilala, hindi lamang sa showbiz industry kundi pati na rin ang maging sikat sa Hollywood at makasama ang kanilang mga iniidolong international artists.

Ngunit sino ang mag-aakala, na may mga artista din na dugong Pinoy at patuloy na naging tanyag sa kanilang karera at hinangaan ng karamihan mula sa kanilang angking talento matapos maging sikat sa Hollywood.

Ilan sa mga Filipino artists na ito ay sina:

Bruno Mars

Credit: Bruno Mars Instagram        

Kilalang-kilala ang singer at songwriter na si Peter Gene Hernandez o mas kilala bilang si Bruno Mars mula sa kanyang mga naging sikat na kanta, ang “That`s what I like”, “Just the way you are”, 24K Magic at marami pang iba.

Credit: Bruno Mars Instagram

Maliban sa kaniyang natamong kasikatan, proud na ibinahagi ni Bruno Mars ang kaniyang pagiging isang dugong Pinoy na nakuha nya sa kaniyang ina na Filipino-Spanish.

 

Enrique Iglesias

Credit: Enrique Iglesias Instagram

Sumunod naman ay si Enrique Iglesias na anak ng isang Filipino Socialite na si Isabel Preysler at Spanish singer na si Julio Iglesias. Nakilala SI Enrique mula sa kaniyang mga naging sikat na kanta ang “Hero”, “Bailamos” at “Do You Know” (The Ping Pong Song).

Credit: Enrique Iglesias Instagram

Hindi talaga maitatanggi na isang dugong Pinoy si Enrique, mula sa kaniyang mga pinsan na sina Ana Maria de Tagle na isang singer at actress, pati na rin ang aktor at modelo na si Steven Mcqueen.

 

Shay Mitchell

Credit: Shay Mitchell Instagram

Hindi naman magpapahuli ang Pretty Little Liar actress na si Shay Mitchell, matapos hangaan sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Emily Fields sa naturang palabas.

Credit: Shay Mitchell Instagram

Si Shay ay pinsan ng beteranang mang-aawit na si Lea Salonga at ang kanyang ina ay isa namang Kapampangan.

 

Jessica Sanchez

Credit: @jessicaesanchez Instagram

Sino naman ang makakalimot sa isang mahusay na mang-aawit na si Jessica Sanchez, matapos magwagi noong 2012 bilang first runner-up ng world-renowned talent search na American Idol Season 11.

Credit: @jessicaesanchez Instagram

Si Jessica ay maituturing na full-blooded Filipino dahil ang kaniyang ama ay isang Pinoy at ang kaniyang ina naman ay isa ring Pinay mula sa Samal, Bataan.

 

Apl.de.ap

Credit: Apl.de.Ap Instagram

Ang huli naman ay ang sikat na rapper at singer na si Allan Pineda Lindo o mas kilala bilang si Apl.de.ap na nagmula sa sikat na Grammy Award-winning group na Black Eyed Peas.

Credit: Apl.de.Ap Instagram

Si Apl.de.ap ay isang proud Filipino rin na nakuha nya sa kanyang ina na isang Pinay habang ang kanyang ama naman ay isang African-American.