Bagama’t hindi na naman masyadong aktibo nitong mga nagdaang taon ang couple na si Kristine Hermosa at Oyo Sotto sa mundo ng showbiz, nakaukit naman ang kanilang pangalan sa memorya ng masa ngunit may iilan pa rin na lubos hindi makapaniwala dahil kung noo’y dalaga at binata, ngayon ay mga magulang na sila sa kanilang apat na mga anak!
Credit: @khsotto Instagram
Sobrang mabilis talaga ang paglipas ng panahon dahil parang kumakailan lamang nang sinusubaybayan natin ang bawat teleserye o pelikulang pagbibidahan ni Kristine Hermosa at Oyo Sotto pero ngayon, pareho nang abala ang dalawa sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanilang mga anak.
Kung noon ay walang masyadong nakakaalam sa kuwento ng pagmamahalan ni Kristine at Oyo maliban sa kani-kanilang pamilya at iilang malalapit na mga kaibigan, sa wakas ay ibinahagi na ito ng couple nang nagkaroon sila ng interview kasama si Toni Gonzaga.
Credit: @khsotto Instagram
Of course, marami ang na-shock, nasiyahan, at nagkaroon ng magkahalong emosyon dahil sa likod ng kanilang matagumpay na pagsasama bilang mag-asawa ay ang sweet na kuwento ng kanilang pag-iibigan.
Bago maikasal ang dalawa noong taong 2011, napagdesisyunan ni Kristine at Oyo na mag-ampon ng bata at ito ngayon si Kristian Daniel o kung tawagin nila sa palayaw nitong “Kiel” na siyang panganay ng couple.
Katulad ng iba, hindi rin naging smooth ang journey ng mag-asawa dahil ilang ulit din silang sinubok ng panahon lalo na nang na-diagnose si Kristine ng polycystic ovary kung saan naapektuhan ang kanyang buwanang dalaw at fertility pero nabiyayaan pa rin sila ni Oyo ng biyaya nang isinilang ng aktres si Ondrea Bliss, ang kanilang unica hija.
Credit: @khsotto Instagram
Makaraan ang tatlong taon, dumating naman sa kanilang buhay si Kaleb Hanns na sinundan naman ng kanilang bunsong anak na si Marvin Valentin noong 2016.
Hindi naman masyadong nakikita sa telebisyon at umaarte, masasabi naman sa bawat posts at update ng couple sa kanilang social media account na sobrang hands-on sila sa pag-aalaga sa kanilang mga anak lalo na’t lumalaki na ngayon ang kanilang pamilya.