Kamakailan lamang ay muli na namang pinag-usapan si Kapamilya actress Angel Locsin sa social media. Hindi dahil sa kanyang mga humanitarian act o charity work kung hindi dahil sa mga litratong nakunan ng isang netizen.

Sa mga litratong nakunan at ibinahagi kasi ni Angelica Santos sa kanyang Facebook account, makikita ang actress na nasa harap ng isang simbahan habang nagsho-shoot. Sa mga litrato ay kapansin-pansin na nadagdagan ang timbang ng tinaguriang “The Real Life Darna”. Gayunpaman, hindi pa rin ito nakabawas sa taglay niyang kagandahan.

Dahil sa mga litrato na nagpapakita ng pagdagdag ng timbang ng aktres, maraming haka-haka ang lumitaw tungkol sa totoong dahilan ng pagtaas ng kanyang timbang.

Noong nakaraang taon ay nagkaroon ng panayam si Boy Abunda kay Angel kung saan pinag-usapan nila ang estado ng kalusugan ng dalaga. Dito ay sinabi ni Angel na ang kanyang sak!t na disc bu|ge sa kanyang sp!ne ay nag-iimprove pero panghabambuhay na niyang dala-dala.

Sa interview rin na iyon ay nagbigay ng matapang na pahayag si Angel para sa mga taong pumupuna at nagpopost ng mga negatibong komento tungkol sa pagbabago ng kanyang pangangatawan.
“Parang maaawa ka na doon sa tao kasi anong klaseng person ka para magawa mo ‘yon? Perfect ka, sobrang perfect mo? Parang ganoon. Hindi mo na lang papatulan…”

Ani Angel, “May mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo. Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang ‘yan, ayaw ko mag-deal sa mga ganu’ng klaseng tao. Kasi sad ang life niya. Kasi ako, wala akong problema. Bakit ikaw ang dami mong isyu? Ako nga, walang isyu, eh. Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to.”

Sa official Facebook page ni Angel ay ibinahagi kamakailan ang naturang statement niya para sa mga bodyshamers.
Sa ngayon, ay mapapanood si Angel sa Kapamilya documentary-reality show na “Iba ‘Yan!”. Nakatakda ring ikasal ang actress sa kanyang businessman at movie producer na fiancèe na si Neil Arce.
