Ito ang mga adorable na anak nila Kaye Abad at Paul Jake Castillo

Kaya siguro tinatawag na anghel ang mga bata dahil sa kanilang innocence at kakayahan na magdulot ng ngiti at kasiyahan kahit wala mang gawin kaya kadalasan talaga sa mga magulang ay takot sa mabilis na paglipas ng panahon pero isa rin ito sa mga dahilan kung bakit bawat moment kasama ang kanilang mga chikiting ay precious dahil hindi naman posible na mananatili ang kanilang mga anak bilang bata forever.

Credit: @kaye_abad Instagram

Sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya at gadgets, masasabi na isa ang cellphone o camera sa mga pinakadabest na naimbento dahil nagagawa nating i-document ang masasaya at precious na moments sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan. Lumipas man ang maraming taon, mananatili ang alaala na nakapaloob sa isang larawan.

Simula nang bumuo ng pamilya si Kaye Abad at Paul Jake Castillo, napagdesisyunan nila na manatiling lowkey. Kahit na’y hindi na masyadong aktibo sa showbiz ngayon, hindi naman pinuputol ng couple ang kahit anong koneksyon na nag-uugnay sa kanila at sa kanilang fans dahil patuloy pa rin naman sila sa pagbibigay ng update tungkol sa masasaya o mahahalang kaganapan sa kanilang pamilya sa kani-kanilang social media account.

Sa pagkakaroon ng bagong miyembro sa kanilang pamilya na si baby Iñigo, dumoble ang kasiyahan sa kanilang araw-araw. Maliban sa kasiyahan na nararamdaman ng mag-asawa, abot-langit din ang happiness ng kanilang panganay na si Joaquin dahil isa na siyang kuya.

Sa pagdating ni baby Iñigo sa kanilang buhay, natural naman sa role bilang isang Kuya si Joaquin dahil maliban sa kanyang Mommy Kaye, nakatutok din pala siya sa nakababatang kapatid. Sa ibinahaging larawan ng aktres kumakailan lamang, makikita na magkatabi sa iisang kama si Joaquin at baby Iñigo.

Credit: @kaye_abad Instagram

Mapapansin naman ang mga kamay ni Joaquin na nakapulupot sa bewang ng kapatid at parehong nakangiti habang nakatingin sa isa’t-isa na para ba’y nag-uusap at nagkakaunuwaan gamit lamang ang kanilang mga mata.

“Priceless💙,” sulat ni Kaye sa kanyang caption.

Credit: @kaye_abad Instagram

Tunay nga sa kanyang caption, wala talagang katumbas ang emosyong nararamdaman niya sa kuhang litrato. Bilang isang ina, pride talaga ni Kaye ang kanyang mga anak kaya nang makita silang magkayap at naglalambingan, hindi niya mapigilang i-flex ito sa social media.