Ito ang mga artista na naging isang ganap na ama at ina bago lumagpas sa edad na 25

Hindi madaling maging magulang lalo na’t dumating sa iyo ang iyong anak sa napakaagang panahon. Ngunit maraming tao ang niyakap ang mga hamon at responsibilidad na kalakip ng pagiging isang magulang.

Ilan nga rito ay ang mga hinahangaan nating Pinoy celebrities ngayon. Alamin sa listahang ito ang ilan sa mga Pinoy celebrity na naging isang ina at ama na bago pa man sila lumagpas sa edad na 25.

 

1. Jericho Rosales

Credit: @santino_rosales Instagram      

Si Kapamilya hunk actor Jericho Rosales ay naging isang ganap na ama sa edad na 21. Dumating ng maaga sa buhay ni Jericho ang kanyang anak na si Santino “Saint” Rosales. Si Santino ay anak ni Jericho sa kanyang dating kasintahan na si Kai Palomares.

 

2. Jodi Sta. Maria

Credit: Jodi Sta. Maria Instagram

23 taong gulang naman noon si TV actress Jodi Sta. Maria nang isilang niya si Panfilo “Thirdy” Lacson III na anak niya sa dating asawa na si Panfilo Lacson Jr. Sa ngayon, ay 14 na taong gulang na si Thirdy.

 

3. Piolo Pascual

Credit: @ inigopascual Instagram

Isang proud dad naman si Piolo Pascual sa kanyang 23 taong gulang na anak na si Kapamilya singer Iñigo Pascual. Si Piolo ay 20 taong gulang pa lamang noon nang ipanganak ng kanyang dating kasintahan na si Donnabelle Lazaro si Iñigo.

 

4. Jennylyn Mercado

Credit: @mercadojenny Instagram

Isa naman si “Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation” star Jennylyn Mercado sa mga naging teen mom noon. Sa edad na 21 taong gulang ay isinilang ni Jennylyn ang anak nila ni Patrick Garcia na si Alex Jazz Mercado. Sa ngayon, ay isang proud single mom si Jennylyn. Si Patrick naman ay may sarili na ring pamilya.

 

5. Andi Eigenmann

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Ang anak naman ni veteran actress Jaclyn Jose na si Andi Eigenmann ay naging ina sa edad na 21 taong gulang. Taong 2011 nang isilang ni Andi ang kanyang first baby na si Adrianna Gabrielle “Ellie” Eigenmann. Ang ama ni Ellie ay ang dating kasintahan ni Andi at anak ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na si Jake Ejercito.

 

6. Sunshine Cruz

Credit: Sunshine Cruz Instagram

Dalagang-dalaga na ngayon ang unang anak ni Sunshine Cruz na si Angelina Isabelle Cruz. 24 taong gulang pa lamang noon si Sunshine nang ipinagbuntis niya ang panganay na anak nila ng kanyang dating asawang si TV actor Cesar Montano.

 

7. Sofia Andres

Credit: @iamsofiaandres Instagram

Kamakailan lamang nang ginulat ni Sofia Andres ang publiko matapos niyang ihayag na isa na siyang ganap na Mommy. November 24, 2019 nang isilang ni Sofia, sa edad na 21, ang napakagandang anak nila ng kanyang longtime boyfriend na si Daniel Miranda na pinangalanan nilang Zoe Natalia.

 

8. Bugoy Cariño

Credit: Bugoy Cariño Instagram

Sa kanyang ika-18 taong kaarawan ay ibinahagi ni Bugoy Cariño sa kauna-unahang pagkakataon ang larawan ng unang anak nila ni volleyball star EJ Laure na si Baby Scarlet.