Ito ang naging bunga ng pitong taon na investment nila Doug and Chesca Kramer na condo unit

Ano ba ang pinakaunang investment na gagawin ng isang pamilya? Of course, bahay!

Credit: @dougkramer Instagram

Bilang mga magulang, talagang ang pangunahing layunin ay ang mabigyan ng maayos, maganda at komportableng bahay ang mga anak.

Kilala bilang isang mapagmahal na mga magulang sina Chesca Garcia at Doug Kramer sa tatlo nilang mga anak, panghabang-buhay na nais nila na mapalaki ng maayos ang mga ito sa isang komportable na bahay na matagumpay naman nilang naibigay.

Credit: @dougkramer Instagram

Sa katunayan, hindi lamang isang maayos at komportableng bahay ang itinayo nina Chesca at Doug para sa kanilang pamilya dahil napakaganda at glamoroso rin nito!

Huwebes, October 28 nang ipinasilip ni Doug sa kanyang Instagram account ang kanilang bagong naipundar na magandang bahay na kaagad namang umagaw sa atensyon ng netizens.

“Home! 😍” saad ni Doug sa unang bahagi ng kanyang caption kalakip ng mga larawang kuha sa loob ng kanilang bagong “renovated” na tahanan.

Credit: @chekakramer Instagram

Bongga para sa isang pamilya ang naging resulta sa pitong taong investment na bahay ng Team Kramer. Simple, moderno, at may wood accent pa na talaga namang nagpatingkad sa kagandahan ng kanilang bahay. Talagang hinangaan ng kanilang fans ang taste ng kanilang pamilya pagdating sa usapang bahay.

Halos hindi naman makapaniwala si Doug na umabot ng mahigit isang taon ang “improvements” sa kanilang bahay pero worth it naman ang paghihintay dahil ngayon, enjoy na enjoy ang buong pamilya sa bago nilang tahanan.

“I can’t believe it took over 1 yr for the improvements. So much delays for so many reasons I don’t need to explain,” ayon kay Doug.

Credit: @chekakramer Instagram

Malaki rin ang pasasalamat ni Doug sa mga eskperto at professionals na tumulong sa kanila na gawing posible ang gustong bahay para sa kanilang pamilya.

“But I’m just so glad @nstrdna and @viancafavila of @gussy.design were there to help guide me and Chesca throughout this transformation. Very thankful for you guys! ❤️”

Ngayon na nakalipat na sa bagong bahay, hindi na inalintana nina Doug at Chesca ang isang taong paghihintay dahil ngayon, “home sweet home” na rin sila sa wakas!

Credit: @chekakramer Instagram

Sabi ni Doug, “From the turnover, to 3d rendering, to the final outcome. Everything is just so satisfying when it’s all done!”

Lunes, November 8 nang ipinasilip ng Team Kramer ang kanilang bagong bahay sa pamamagitan ng isang vlog na ibinahagi nila sa kanilang Youtube channel na ayon kay Doug ay isa umanong pitong taong investment nila para sa kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin.

“Same same, but different. Our home away from home. ❤️”