Ito ang naging cute na reaksyon ng anak ni Marian Rivera na si Zia nang purihin ni Sarah Geronimo ang pagsasayaw niya ng ‘Tala’

Isa ang kanta at sayaw na ‘Tala’ ni Popstar Princess Sarah Geronimo-Guidicelli sa mga naging popular na dance challenge sa bansa. Sinasayaw ito ng kahit sino na nakiki-Tala dance challenge.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes 🇵🇭 Instagram

Kaya’t hindi na nakapagtataka nang ibunyag ni Kapuso actress Marian Rivera na paborito rin ng kanyang anak na si Maria Letizia o Zia Dantes ang kantang ito ni Sarah.

Sa isang video na pinost ng Maria Letizia Dantes Facebook page ay maririnig na ikinikwento ni Marian sa kanyang mga kausap na iniidolo raw ni Zia si Sarah.

Sa katunayan, sobrang kilig daw ang naramdaman ni Zia nang purihin siya ni Sarah sa kanyang galing sa pagsayaw ng ‘Tala’.

Credit: Maria Letizia Dantes Facebook

Kwento ni Marian sa video, “Sobrang gustong-gusto niya ‘yung ‘Tala’. Nagsasasayaw ng ‘Tala’. Si Ranvel [Rufino] kasi very close iyan kina Matteo and Sarah. Very close din iyan sa amin dahil meron silang business ni Dong. So pumupunta minsan sa bahay iyan-nagmi-meeting.”

Pagpapatuloy ni Marian, “One time, sinend ni Dong kay Ranvel na nagta-Tala si Zia. Ngayon siguro kasama ni Ranvel si Sarah, nag-video ngayon itong si Sarah. Ang sabi nung Sarah, ‘Hi, Zia. Ang galing mong mag-‘Tala’. Kilig na kilig ‘yung anak ko, diyos ko, day!”

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes 🇵🇭 Instagram

Ayon pa kay Marian, nagulat daw si Zia dahil kilala siya ni Sarah.

“Sabi n’ya, ‘Why Sarah knows me? Why she knows I like ‘Tala’?”, ani Marian sa video.

Samantala, may isang bagay pa na ibinunyag si Marian tungkol sa anak.

Sinabi ni Marian na ‘typical’ na bata lang daw si Zia at hindi ito ‘aware’ na maraming nakakakilala sa kanya.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes 🇵🇭 Instagram

Ani Marian, “Typical lang na bata na kapag may nakikita, natutuwa. Very innocent pa din. Ayaw naman naming sabihin na, ‘Ay, anak ganito ka, ganyan ka. Ayaw ko naman ng ganun.”

Dagdag ni Marian, “Deadma siya. Ah, kami din kasi deadma. Parang hindi siya aware. Parang ang bata pa niya.”

Ibinahagi rin ni Marian ang isang pagkakataon kung saan nakita nilang nahihiya si Zia nang mapanood ang sarili sa telebisyon.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes 🇵🇭 Instagram

Aniya, “Nakita namin nahihiya na siya. Hindi na katulad ng dati. Kapag nakikita niya ‘yung commercial niya ng Nido…dati, ‘That’s me, That’s me.’ Ngayon hindi na, nahihiya na siya.”

Kahit apat na taon pa lang si Zia ay kamangha-mangha na ang bilang ng kanyang mga tagahanga. Marami ang nagsasabi na malayo ang kanyang mararating dahil sa taglay niyang kagandahan at karisma na namana niya mula sa kanyang Mommy Marian at Daddy Dingdong.