Ito ang nakakaantig mensahe ni Andi Eigenmann para sa 9th birthday ng kanyang unang anak na si Ellie

Nagdiriwang ngayon ng kanyang ika-9 na kaarawan ang unang anak ni dating TV actress Andi Eigenmann na si Ellie o Adrianna Gabrielle.

Credit: Andi Eigenmann Instagram         

Sa isang Instagram post ay hindi mapigilan ni Andi na maging emosyonal habang binabati si Ellie. Sumulat si Andi sa Instagram ng isang nakakaantig na birthday message para sa anak.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Isang serye ng mga larawan ni Ellie mula noong siya ay sanggol pa lamang hanggang ngayon na malaki na siya ang i-pinost ni Andi.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Sa caption ay taos-pusong pinasalamatan ni Andi si Ellie dahil sa pagbibigay nito ng kasiyahan sa kanyang buhay. Ani Andi, hindi niya ipagpapalit sa kahit anong bagay sa mundo ang kanyang napakagandang anak.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

“Today we celebrate 9 years of life for my firstborn ELLIE! 9 years of bringing so much life into mine as well. I wouldn’t trade having you for anything in this world my dearest Elle belle,” sulat ni Andi sa caption ng kanyang IG post.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Dagdag niya, “I will forever be grateful that the universe gave me YOU. You only become more and more special to me as the years go by, and that’s exactly what inspires me to do my best as your mom, because that’s what you deserve! Thank you so much for being YOU.”

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Para kay Andi, isang pribilehiyo na maituturing ang maging ina ni Ellie.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Aniya, “Just watching you grow into such an admirable lady brings me sooo much joy and fills my heart with pride. I am in awe of the person you have become— an amazing, funny kid with a big big heart, and it has been such a privilege to be your mom! HAPPY BIRTHDAY ELLIE. You are soooo loved and cared for. Always, always.♥️”

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Samantala, isang sweet birthday message rin ang isinulat ng ama ni Ellie na si TV actor Jake Ejercito.
Mensahe ni Jake sa kanyang prinsesa, “Who you are and who you’re becoming is truly amazing to witness. Happy birthday to the coolest and loveliest in my galaxy! Love you love you, my princess x”

Credit: Andi Eigenmann Instagram

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)

Bumaha naman ang birthday greetings para kay Ellie. Kabilang sa mga bumati kay Ellie sina TV actress Anne Curtis-Smith at Bela Padilla.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Si Andi Eigenmann ay kasalukuyang buntis sa kanyang ikatlong anak at pangalawang anak nila ng kanyang boyfriend na si professional surfer Philmar Alipayo.