Ito ang nakakaiyak na mensahe ng singer na si Angeline Quinto para sa kanyang namayapang inang si Mama Bob

Isa sa mga pinakamahalagang tao sa ating buhay ay ang ating ina. Kaya naman para sa isang anak ay napakasakit na mawalan ng isang ina.

Kamakailan lamang ay tuluyan nang namaalam si singer-actress Angeline Quinto sa kanyang ina na si Sylvia Quinto na tinatawag din niyang Mama Bob.

Credit: Angeline Quinto Instagram

Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay inanunsyo ni Angeline ang malungkot na balita.

Sa caption ay isang mensahe ang isinulat ni Angeline para sa kanyang namay@pang ina. Ani Angeline, “Mag iingat ka sa pag lalakbay Mama.”

Credit: Angeline Quinto Instagram

Dagdag niya, “Hindi man kita maalalayan sa paglalakad ngayon patungo sa paraiso, masaya ako nandyan ang Panginoon para umalalay sayo.”

Ayon pa kay Angeline, hindi umano siya magsasawang pasalamatan ang kanyang ina na siyang umampon at nag-alaga sa kanya.

Aniya, “Hinding hindi ako mapapagod sa pagpapasamalat sayo Ma, dahil sa pagkakataong ibinigay mo sa akin para maging anak mo.”

Credit: Angeline Quinto Instagram

Sa huli ay mensahe ni Angeline sa kanyang Mama Bob, “Hanggang sa muli nating pagkikita. MAHAL NA MAHAL KONG MAMA BOB 💔”

Samantala, sa isa pang Instagram post ay sinabi ni Angeline na kung mayroon man daw siyang isang mahihiling, iyon ay marinig muli ang boses ng kanyang ina na tinatawag ang kanyang pangalan.

Sa isa pa niyang naunang post ay sinabi naman ni Angeline na itinuturing niya bilang kanyang ‘Buhay’ at ‘Mundo’ ang kanyang Mama Bob.

Credit: Angeline Quinto Instagram

Aniya sa isang Instagram post, “Ang Buhay at Mundo Ko. Wag ka panghinaan ng loob, hinding hindi ako aalis sa tabi mo. Hindi ka mag isa lumal@ban ngayon. Nandito ako. Nandito kami. Kayang kaya mo yan Ma. Mahal na mahal Kita higit sa lahat.”

Credit: Angeline Quinto Instagram

Matatandaang nitong September lamang ay humingi ng dasal ang singer-actress mula sa kanyang fans para sa kanyang ina na nasa osp!tal noon. Hindi naman ibinunyag ni Angeline ang tunay na kondisyon ng ina.

Credit: Angeline Quinto Instagram

Si Angeline Quinto ay nakilala dahil sa kanyang husay sa pag-awit at pag-arte. Una siyang napanood sa telebisyon nang maging contestant siya sa 2011 Kapamilya talent search na “Star Power: Sharon’s Search For The Next Female Pop Superstar”.