Ito ang nakakalaglag-pangang P12M-worth na diamond ring ni Ivana na binili niya para sa sarili!

Muling pinatunayan ni Ivana Alawi na hindi niya kailangan ng isang lalaki upang bilhan siya ng singsing dahil kayang-kaya daw niyang bilhan ang sarili.

Credit: @ivanaalawi Instagram

Nagsimula sa simpleng pagva-vlog bilang katuwaan lamang, hindi inasahan ni Ivana Alawi na magiging isa siya sa mga sikat na YouTube vloggers na may pinakamalaking impluwensya sa social media.

Itinuturing na “role model” ng kanyang followers at subscribers, sinisiguro ni Ivana na may mga matututunan ang kanyang fans sa kanya at ito ay ang pananatiling mapagkumbaba sa kabila ng tinatamasang tagumpay, at pagkakaroon ng mabuting puso sa mga taong nangangailangan.

Credit: @ivanaalawi Instagram

Hindi naman lingid sa kaalaman ng netizens na isang mabuting tao si Ivana. Sa kanyang birthday, imbes na magkaroon ng engrandeng selebrasyon ay mas pinipili ni Ivana na magbahagi ng tulong sa mga taong labis na nangangailangan.

Nang tumungtong sa ika-24 na kaarawan noong Disyembre, maliban sa simpleng pagdiriwang sa kaarawan kasama ang pamilya, niregaluhan din ni Ivana ang sarili ng 8-carat gold diamond na singsing.

Credit: Ivana Alawi YouTube

September ngayong taon nang ibinunyag ni Drake Dustin Ibay, ang CEO ng LVNA brand sa publiko ang price ng biniling singsing ni Ivana. Hindi lamang ito nagkakahalaga ng isa o dalawang milyon ngunit mahigit pa!

Ang binili na singsing ni Ivana sa LVNA Brand ay nagkakahalaga lang naman ng 12 milyon na siyang nagpanganga sa netizens.

Credit: Ivana Alawi YouTube

“It cost around 12 something million,” ayon kay Drake Dustin sa isang panayam.

Halos hindi naman makapaniwala ang netizens nang nalaman kung gaano ka-mahal ang regalong singsing ni Ivana para sa sarili. Sa vlog niya nito lamang Enero, ipinasilip niya ang kanyang singsing na pinangalanan niyang “Ivana Moon”.

“I bought this from LVNA by Drake Dustin, and ito ay regalo ko sa sarili ko, sa birthday ko talaga siya dapat,” pahayag ni Ivana.

Ayon kay Ivana, bakit pa umano siya maghihintay para sa isang lalaki na magbibigay sa kanya ng singsing kung kayang-kaya naman niyang bumili para sa sarili.

“Bakit ako mag-aantay sa lalaki, edi bibilihan ko na lang ang sarili ko, di ba? This is a gift to myself. So… proud kasi it’s a reminder to work hard for your dreams,” sabi ni Ivana.

Credit: @ivanaalawi Instagram

Kuwento ni Drake Dustin, bago pa man bumili si Ivana ng singsing sa LVNA, matagal na niyang gusto na gawing endorser sa kanilang brand ang vlogger kaya nang nagkatagpo at nagkakilala, hindi niya maiwasang isipin na talagang pinagtagpo sila ng universe.

Disyembre 2020 nang ma-feature si Ivana sa isang magazine kung saan ay makikitang suot niya ang biniling mamahaling singsing na ayon sa kanya ay isa umanong “dream come true”.