Talagang nakakamangha ang pagkakahawig ni baby Felize sa kanyang mga magulang na sina Elisse Joson at McCoy De Leon!
Credit: @elissejosonn Instagram
Matapos inanunsyo nina Elisse at McCoy ang kanilang malaking rebelasyon, naging uhaw ang netizens na masilayan ang kanilang anak na si baby Felize McKenzie. Hindi naman ito pinatagal ng celebrity couple at proud na ipinakita ang kanilang baby girl sa publiko.
Lunes, November 1 nang ibinahagi ni Elisse sa kanyang Youtube channel ang isang vlog na pinamagatan niyang “ADIML” o A Day In My Life.
Kung noo’y mag-isa lamang na gumigising sa umaga, ngayon ay napapangiti na si Elisse sa tuwing nakikitang nakangiti na sa kanyang tabi si baby Felize at binibigyan ang kanyang Mommy ng daan-daang rason na maging masaya.
Credit: @elissejosonn Instagram
Namana ang good looks sa kanyang Mommy at Daddy, napakaganda nga naman talaga ni baby Felize! Mula sa kanyang hugis almond na mga mata, chubby na mga pisngi, makulot at maitim na buhok, at ang kanyang pagtawa na talaga namang musika sa tainga ng kanyang mga magulang, lahat ng katangiang ito ay na-appreciate ng netizens.
Credit: @elissejosonn Instagram
“what a beautiful baby 🥰 we love you, Elisse! 😘”
“Ang cutie ni baby😭❤️ she got her dad’s feature”
“She’s so adorable! She a combination of u and McCoy. Congrats!”
“Ang kyut grabe🥺🥰”
Credit: @elissejosonn Instagram
“Kagandang bata”
Bago isilang ni Elisse ang kanyang baby, inamin ng aktres na magkahalong emosyon ang kanyang naramdaman. Bagama’t sobrang excited man sa katotohanang magkaka-baby na sila ng boyfriend na si McCoy de Leon, nakaramdam din ng takot ang aktres.
Credit: @elissejosonn Instagram
“Actually ‘di pa rin ako makapaniwala ‘cuz ‘yung tummy ko is just… parang busog, parang bloated pero meron na palang baby inside! But siyempre ‘di ko mapakita iyong excitement ko din masyado ‘cuz I am also scared. I don’t know how to be a mom. I bet it’s hard but kaya ‘to. We will get through it.”
Credit: @elissejosonn Instagram
Bago matapos ang vlog, matutunghayan ang isa sa mga sweet na moment ng pamilya. Kung noo’y dalawa lamang silang nagpapakilig sa kanilang kanilang fans, ngayon naman ay kasama na nila si baby Felize McKenzie sa pagpapasaya at pagbibigay ng good vibes sa kanilang mga tagasubaybay.
Sa kanilang dining table, masayang magkakasama ang couple at si baby Felize. Sa paghalik ni McCoy sa noo ni Elisse habang pinapainom ng gatas ang anak, labis ang kilig at tuwang naramdaman ng netizens na talaga namang isa sa mga pure nilang moments bilang magkasintahan.
Credit: @elissejosonn Instagram
Ngayon na nasilayan na ang kagandahan ni baby Felize McKenzie, talagang tututukan siya ng McLisse fans!