Ito ang reaksyon ng mga kapatid ni Ivana Alawi nang magpanggap siya na nagpaayos ng ilong

Sino ba ang mag-aakala na sa natural na kagandahan ni Ivana Alawi ay nais pala niyang magparetoke ng ilong? Marahil ay isa ito sa mga bagay na hindi inaasahan ng karamihan ngunit sino nga ba ang makakapagpabago sa isipan ng aktres kapag buo na ang kanyang desisyon ukol dito?

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sa kagandahan ni Ivana Alawi, talagang marami ang nais na maging kahawig niya ngunit sa kabila ng lahat ng humahanga sa kanyang natural na beauty, sino ba ang mag-aakala na may feature pala sa kanyang mukha ang nais niyang baguhin?

Matapos marinig ang balita na nagparetoke si Ivana, marami talaga ang nagulat ngunit kaagad naman na nakaramdam ng ginhawa nang nalamang prank lang pala ang lahat!

Pero bago ang revelation, ano nga ba ang naging reaksyon ng kanyang pamilya tungkol sa “pagpaparetoke” niya ng ilong?

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sa pinakabagong vlog na ibinahagi ni Ivana, may bago na naman siyang prank kung saan ay pinaniwala niya ang Team Alawi na nagparetoke siya ng ilong. Sa kanyang pinakaunang b!ktima, napili niya ang kapatid na si Hash na talagang nadala sa pag-arte ng aktres.

“But why would you change your nose? But you had one of the most beautiful nose sa family natin. Hindi mo na kailangang baguhin,” seryosong saad ni Hash.

“I’m shocked. Maganda naman ilong mo dati but why would you… like weren’t you happy with your nose dati?”

Credit: Ivana Alawi YouTube

Kung sobrang seryoso ni Hash, doble naman ito para sa nakatatandang kapatid ni Ivana na si Amira dahil hindi man lang ito nagduda nang ipinakita ng aktres ang kanyang “ipinaretokeng” ilong nang nag-video call sila. Nang binaba na ni Amira ang tawag, hindi mapigilan ni Ivana na mapatawa dahil talagang bumenta umano ang kanyang prank.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sa unang bahagi ng vlog, ibinahagi ni Ivana na wala siyang kahit anong prejudice sa mga taong nagpaparetoke dahil buo umano ang kanyang respeto sa mga ito dahil nagpapakita lamang ito na mahal nila ang sarili at gusto pa nilang maka-gain ng confidence ngunit kahit na’y ganoon, nais pa rin niyang panatilihin ang kanyang natural na kagandahan.