Ito ang sikreto ng mga naggagandahang Pinay actresses na nasa 40s kaya napapanatili nilang younger looking ang mga sarili

Isa ang pagtanda sa mga bagay na hindi natin matatakasan. Gayunpaman, para sa mga Pinay actresses na ito na nasa kanilang 40s na, may magagawa pa rin tayo para mapabagal ang proseso nito at labanan ang senyales ng pagtanda. Narito kung paano:

1. Sunshine Cruz

Credit: Sunshine Braden Cruz Instagram     

Sa edad na 43, pagwo-workout ng dalawa o tatlong beses sa isang linggo na sinasabayan nang maayos na sleep routine ang sikreto sa pagpapanitili ni Sunshine ng kaniyang kagandahan.

2. Ina Raymundo

Credit: Ina Raymundo Instagram

Pagmamahal naman sa sarili ang simpleng sikreto ni Ina para mapanatili pa rin ang kaniyang sexy image sa edad na 44 at kahit mayroon na siyang limang anak.

3. Angel Aquino

Credit: Angel Aquino Instagram

Kahit 47 na si Angel ay hindi pa rin nawawala ang karisma nito. Utang naman ito ni Angel sa maayos na pag-aalaga niya sa kaniyang sarili. Kabilang sa mga self-care routine ni Angel ay ang pag-inom ng tubig at paglalagay ng moisturizer.

4. Judy Ann Santos

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Ilang dekada man ang nagdaan, maituturing pa rin na isa sa may pinakabatang mukha sa showbiz si Judy Ann. Pagkain ng masusustansya, pag-inom ng tubig at vitamins naman ang ginagawa ni Juday para manatiling bata pa rin.

5. Mylene Dizon

Credit: Mylene Dizon Instagram

Sa edad na 44, napapanatili pa rin ni Mylene ang kaniyang karisma. Sa isang interview sa Metro.style, ibinunyag ni Mylene ang kaniyang sekreto. Aniya, “Laughter is the best best medicine talaga sa lahat ng aspeto, pati na rin sa ating skincare…And lots of water!”

6. Lucy Torres

Credit: Lucy Torres-Gomez Instagram

Sa usaping “ageless beauty”, nangunguna rito si Lucy. Maraming nagtatanong kung bakit sa kabila ng busy schedule niya bilang isang pulitiko ay wala pa ring kupas ang kagandahan nito. Sagot ni Lucy, nakatulong daw sa kaniya ang pag-iinvest sa mga ginagamit niyang skincare product at regular na pagpunta sa mga skin clinic para magpa-facial.

7. Ciara Sotto

Credit: Ciara Sotto Instagram

Nakatulong naman ng malaki sa pagpapanatili ni Ciara ng kaniyang youthful glow sa edad na 40 ang pagyo-yoga, pagzu-zumba at pagpo-pole dancing.

8. Carmina Villarroel

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi Instagram

Pagkakaroon naman ng skincare routine bago tumuntong sa edad na 30 ang naging sekreto ng aktres at TV host sa pagpapanatili niya ng kaniyang fresh at glowing na balat.