May mga celebrities talaga na nakakapagbigay ng kakaibang kilig kahit na’y simple lamang ang kanilang ginagawa. Marahil ay dahil sa pagiging bagay nila sa isa’t-isa o hindi kaya’y ang chemistry sa pagitan nila katulad na lamang ni Joshua Garcia at Ivana Alawi na kumakailan lamang ay muli na namang pinakilig ang karamihan!
Credit: @garciajoshuae Instagram
Simula pa lamang, pinatunayan na ni Joshua Garcia ang kanyang angking talento sa pag-arte dahilan kung bakit mismong projects at sandamakmak na opportunities na ang lumalapit sa aktor. Kung acting lang naman ang pag-uusapan, tiyak na panalong-panalo si Joshua! Kuhang-kuha niya kaya ang mala-John Lloyd na acting-an.
Maliban sa kanyang mahusay na pagpapamalas ng talento sa pag-arte, labis din na kinahuhumalingan si Joshua ng mga kababaihan dahil sa kanyang maamong mukha. Marami na rin siyang nakatambalan katulad na lamang nina Loisa Andalio, Julia Barreto, Janella Salvador at matagumpay naman silang nakakapaghatid ng kilig sa kani-kanilang fans.
Credit: @ivanaalawi Instagram
Marahil sa karisma ng aktor, sadyang madali lamang para sa kanya ang makabuo ng chemistry at kumakailan lamang nang pinagshi-ship si Joshua sa sikat na vlogger na si Ivana Alawi matapos ang revelation ni Ivana na may crush siya sa aktor.
Credit: @ivanaalawi Instagram
Matapos ang interview ng sikat na vlogger na si Ivana kasama si Ogie Diaz, marami sa kanilang fans ang kinikilig lalo na’t ayon kay Joshua ay open naman siya sa friendship.
Kamakailan lang nang sumabak sa “Truth or Dare” challenge si Joshua para sa layuning makalikom ng pera at donasyon para matulungan ang mga biktima ng bagyong Odette. Sa kasagsagan ng kanilang show, hindi napigilan ng hosts na sina Darla Sauler at Alora Samsam na tanungin ang aktor kung gusto ba niya maging girlfriend si Ivana o kakaibiganin lamang.
Credit: @garciajoshuae Instagram
“Siyempre, jojowain. I mean, come’n! Choosy ka pa ba? Mabait, maganda, sexy. I mean, magiging choosy ka pa ba dun?” diretsahang sagot ng aktor.
Bagama’t puring-puri kay Ivana, ipinahayag naman ni Joshua ang kanyang opinyon tungkol dito.
Ayon sa kanya, “Hindi kasi lahat ng tao, masasabi mong meant para maging magkarelasyon. May nakatadhana sa ‘yo na parang mami-meet mo lang para maging kaibigan mo kasi ‘di mo masasabi.”
Nagdadalawang-isip man, game na game naman si Joshua sa dare ng hosts na tawagan si Ivana at tanungin ito ng “Jojowain o Totropahin” na agaran namang sinagot ng Pinay vlogger.
“Secret,” natatawa at parang kinikilig na sagot ni Ivana sa tanong ng aktor.
Hindi man malinaw ang naging sagot ni Ivana, hindi pa rin ito naging hadlang upang kiligin si Alora at Darla sa conversation ng dalawa lalo na’t super ramdam din ng kanilang fans ang chemistry ni Joshua at Ivana!