Ito na ang buhay ngayon ng dating child star na si Serena Dalrymple pagkatapos lisanin ang showbiz

Naalala pa ba ninyo ang mga child stars na hinahangaan at sinusubaybayan ninyo noon?

Credit: @sdalrymple Instagram

Marahil ay nasa listahan ninyo ang dating child actress na si Serena Gail Dalrymple na noong dekada 90 ay pinatawa at pinahanga ang marami dahil sa kanyang mga nakakatawang proyekto sa telebisyon.

Credit: @sdalrymple Instagram

Si Serena ay ipinanganak noong September 7, 1990 ng Pinay na si Wilma Billones at ang kanyang ama naman ay ang Scottish-American na si Robert Lloyd Dalrymple.

Credit: @sdalrymple Instagram

Naging daan sa pagsikat ni Serena ang pinagbidahan niyang commercial ng “Jollibee” kung saan tumatak ang kanyang linyang “Isa pa, isa pang chicken joy” sa maraming manonood.

Pagkatapos naman ng naturang commercial ni Serena ay maraming pinto ng oportunidad sa showbiz ang nagbukas para sa kanya. Kaliwa’t kanan ang natanggap na proyekto ni Serena noong panahon niya sa showbiz. Kabilang dito ang mga pelikulang, “Type Kita, Walang Kokontra”, “Tik Tak Toys My Kolokotoys”, at “Wansapanataym.”

Credit: @sdalrymple Instagram

Dahil sa kanyang kahanga-hangang pagganap sa kanyang mga role sa pelikula at mga teleserye kaya naman labis na tumatak si Serena sa puso’t isipan ng maraming Pinoy.

Credit: @sdalrymple Instagram

Ngunit noong 2004 ay nagpasya si Serena na iwanan ang kanyang maningning na karera sa showbiz para tapusin ang kanyang pag-aaral. Nagtapos si Serena sa kursong Export Management sa De La Salle-College of Saint Benilde bago siya nagtungo sa Amerika.

Sa ngayon nga ay masaya nang naninirahan sa Amerika si Serena. Gayunman, ang kanyang kasikatan ay tila hindi nauupos na kandila dahil sa kabila ng paglisan niya sa showbiz ay nanatili pa rin ang kanyang kasikatan.

Credit: @sdalrymple Instagram

Nanatili namang updated ang mga tagahanga ni Serena sa mga kaganapan sa kanyang buhay sa Amerika sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Sa mga letratong ibinabahagi ni Serena sa kanyang Instagram ay makikitang isa na siyang ganap na adult ngayon at may magandang buhay at career sa Amerika.

Credit: @sdalrymple Instagram

Maliban dito ay kapansin-pansin din ang kasiyahan ni Serena sa piling ng kanyang kasintahang si Thomas Bredillet.

Credit: @sdalrymple Instagram

At kahit naninirahan na siya sa Amerika hindi pa rin nakalimutan ni Serena ang kanyang pagiging Filipino lalo na ang mga paborito niyang pagkaing Pinoy.