Ito na ang buhay ngayon ng sikat na singer na si Mitoy Yonting sa gitna ng p@ndemya!

Muling nagbigay ng inspirasyon si Mitoy Yonting sa netizens nang mas pinili niyang bumangong muli mula sa pagsubok ng buhay.

Credit: @mitoyonting Instagram

Hindi lamang kasiyahan at tagumpay ang nararanasan ng isang tao sa buong buhay niya dahil may mga pagkakataon din na sinusubok tayo ng panahon.

Bagama’t isa man ngayon sa mga matatagumpay na singer sa industriya ng showbiz, hindi pa rin nakatakas si Mitoy Yonting sa hirap ng buhay.

Credit: Ogie Diaz YouTube

Sa isang interview kasama si Ogie Diaz, ikinuwento ni Mitoy ang naging buhay niya sa kasagsagan sa p@ndemya. Matagumpay man sa napiling career, isa si Mitoy sa mga taong naghihirap at dumidiskarte ngayon upang kumita ng pera at masuportahan ang pamilya.

Simula nang nadiskubre at nanalo sa “The Voice of the Philippines” noong taong 2013, napakaraming oportunidad ang dumating sa buhay ni Mitoy. Ito ang naging daan niya upang makilala bilang isa sa mga mahuhusay na singer ngayon ngunit sa pagdating ng p@ndemya, aminado si Mitoy na hindi umano naging sapat ang kanyang ipon.

Credit: Ogie Diaz YouTube

Imbes na magpakalugmok, mas pinili ni Mitoy na magpatuloy sa paniniwalang malalampasan niya rin ang hamong ito sa kanyang buhay.

“Kaya lang siguro nakakangiti ako. Hindi naman sa pagmamayabang, pero iyong darkest day at darkest hour, naranasan ko na ‘yon,” ayon kay Mitoy.

Credit: Ogie Diaz YouTube

Dagdag pa niya, “Nalagpasan ko iyon. Nalulungkot pa rin kami pero nalagpasan ko iyon. So, itong p@ndemic, nandito pa naman tayo, humihinga. Mga kamag-anak, mga mahal sa buhay, nandito. Sama-sama kahit paano, walang nagkakasakit. Positive thinker ako eh.”

Sa kasagsagan ng p@ndemya at wala masyadong pinagkakaabalahan sa showbiz, pinasok ni Mitoy ang pagnenegosyo at magtinda ng milk tea. Hindi man ganoon kalaki ang kinikita kumpara noon, malaki naman ang pasasalamat ng singer dahil kahit papaano, nagagawa pa rin niyang suportahan ang pamilya lalo na ngayong p@ndemya.

Credit: Ogie Diaz YouTube

Imbes na mag-hire ng empleyado upang magtinda ng milk tea, proud na ibinahagi ni Mitoy na siya pa mismo ang nagmamaneho habang ang kanyang asawa at pamangkin naman ang gumagawa ng milk tea.

Talagang likas na madiskarte si Mitoy. Bago pa makilala bilang isang sikat na singer, nasanay na si Mitoy sa hirap ng buhay kaya hindi hadlang ang pinagdadaanan niya ngayon upang magpatuloy.

Hindi naman napigilan ng netizens na humanga sa pagiging madiskarte ni Mitoy. Bagama’t madalang naman ngayon ang natatanggap na proyekto sa showbiz, hindi ito naging dahilan upang mawalan ng pag-asa si Mitoy.

Credit: Ogie Diaz YouTube

Dahil sa kanyang kasipagan at pagiging madiskarte sa buhay, nagsilbing inspirasyon si Mitoy Yonting para sa mga taong minsan nang nawalan ng pag-asang makakabangon silang muli.