Ito na ngayon ang buhay ng aktres na si Michelle Madrigal pagkatapos lumipad patungong Amerika

Unang nakilala si Michelle Madrigal nang sumali siya sa reality show na Star Circle Quest noong taong 2004.

Credit: @mitch_madrigal Instagram                

Huli namang nakita si Michelle sa telebisyon nang gumanap siya bilang isang supporting role sa teleseryeng Pasion de Amor.

Credit: @mitch_madrigal Instagram

Taong 2016 nang lumipad si Michelle patungong Amerika para mag-aral ng culinary arts at doon niya unang nakilala ang kanyang African American na asawang si Troy Woolfork.

Credit: @mitch_madrigal Instagram

Taong 2017 nang isilang ni Michelle ang anak nila ni Troy na pinangalanan nilang Anika.

Credit: @mitch_madrigal Instagram

Noong nakaraang taon naman ay ganap nang ikinasal si Michelle kay Troy.

Credit: @mitch_madrigal Instagram

Kasalukuyang naninirahan si Michelle kasama ng kanyang mag-ama sa Texas. Isang certified prenatal and postnatal specialist si Michelle at nagtatrabaho ngayon bilang isang fitness coach kasama ang kanyang asawang si Troy na isang dating American football player. Bukod sa mga personal training na ginagawa nila ay pinagkakaabalahan din ni Michelle ang pagba-vlog.

Credit: @mitch_madrigal Instagram

Sa katunayan ay pinaunlakan ng ni Michelle ang most-requested vlog ng kanyang subscribers kung saan ipinasilip niya kamakailan ang kanilang napakalaking bahay sa Austin, Texas.

Credit: Michelle Madrigal YouTube

Kasama ang kanyang asawa at anak na si Anika ay winelcome nina Michelle ang kanyang subscribers sa kanilang bahay sa Amerika.

Credit: Michelle Madrigal YouTube

Pagpasok sa bahay ay sasalubong kaagad ang isang “Money Tree” na pinaniniwalaan ni Michelle na magdadala ng swerte sa kanila.

Credit: Michelle Madrigal YouTube

Sa tabi lamang ng “Money Tree” ay matatagpuan ang opisina nina Michelle at Troy.

Credit: Michelle Madrigal YouTube

Sunod na ipinakita ni Michelle ang kanilang kitchen area na ayon sa kanya, “This is where all the magic happens a.k.a cooking.”

Credit: Michelle Madrigal YouTube

Sa kanilang dining area ay makikita ang isang 6-seater modern dining table na sakto lang para sa pamilya ni Michelle.

Credit: Michelle Madrigal YouTube

Ipinagmamalaki naman ni Michelle ang kanilang napakalaking couch sa kanilang living area. Multifunctional ang kanilang couch dahil bukod sa pwede itong upuan ay pwede rin itong gawing higaan. Dito madalas nagsasama-sama ang pamilya ni Michelle habang nanonood ng pelikula. Tawag nila rito ay “movie nights”.

Credit: Michelle Madrigal YouTube

Excited din na ipinakita ng anak ni Michelle na si Anika ang kanyang napaka-cute na house bed. Ikinuwento ni Michelle na limang buwan pa lang si Anika ay nakahiwalay na ang kwarto nito sa kanila.

Credit: @mitch_madrigal Instagram

Silipin ang kabuuan ng ginawang house tour ni Michelle dito: