Ito na ngayon ang buhay ng sikat na kambal noon na kung tawagin ay “JaBo0m Twins”!

Sadyang napakabilis ng panahon at mahigit isang dekada ang mabilis na lumipas mula nang sumikat noong 2004 ang kambal na sina Jaja (Katrina Gonzales) at Bo0mbo0m ( Krsitine Gonzales) o mas kilala bilang JaBo0m twins na pinasikat ng Rejoice shampoo commercial jingle na “Sunod sa Galaw”.

Credit: Mariakristine Gonzales Esplana Facebook

Mula sa nasabing commercial ay sunud-sunod na proyekto sa industriya ng showbiz ang kanilang ginawa mula sa pagiging host sa dating noontime show ng Kapamilya network na ‘Magandang Tanghali Bayan’ hanggang sa mapabilang sa afternoon sitcom na ‘Maid in Heaven’.

Panandaliang nagpahinga sa showbiz ang kambal at sa kanilang pagbabalik ay lumipat sa Kapuso network kung saan sila ay gumanap sa QTV-11’s sitcom na ‘Laugh to Laugh’ bilang Lotlot at Letlet.

Naging bahagi din sila ng telefantasyang ‘Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas’ noong 2006 at gumanap bilang sina Luntian at Violeta.

Credit: Juan Carlos Cristi Bernabe Facebook

Taong 2009, bumalik si Jaja sa kanilang home network upang maging bahagi ng romantic-comedy series na ‘The Wedding’ na pinagbidahan ni Anne Curtis habang si Bo0mbo0m ay patuloy na lumabas sa mga talk shows at supporting roles sa mga drama shows ng Kapuso network.

Sa dami ng kanilang mga naging proyekto ay tumatak din ang JaBo0m twins kaya naman hindi mawala sa mga manonood ang kamustahin kung ano na nga ba ang nangyare sa kambal sa paglipas ng panahong hindi na sila nakikita at napapanood sa telebisyon.

Credit: Bryan Palermo Facebook

Sa kasalukuyan ay pareho nang lumagay sa tahimik ang kambal at may kani-kanya nang pamilya.

Ikinasal si Jaja noong 2014 kay Juan Carlos Cristi Bernabe kung saan ang kanyang Matron of Honor ay walang iba kundi ang kanyang kakambal na si Bo0mbo0m. Mayroon na ngayong dalawang anak sina Jaja at Carlos.

Credit: Maria Katrina G. Bernabe Facebook

Hindi naman lubos na nawala sa mata ng publiko si Bo0mbo0m na aktibo sa mga political activities ng kanyang asawang public servant na si Parañaque City Councilor Juvan Esplana at ngayo’y mayroon na rin silang tatlong anak.

Abala man ang kambal sa kani-kanilang mga buhay ay nagkakaroon pa rin sila ng pagkakataon na magkasama sa tuwing may mahalagang pagdiriwang ang kanilang pamilya.