Ito na ngayon ang dating child star na si Isabel Frial o mas kilala sa palayaw na Lenlen

Dahil sa kasikatang tinatamasa sa napakamura niyang edad, talagang imposible na walang nakakakilala sa dating child star na si Isabel Frial o mas kilala sa kanyang palayaw na “Lenlen”.

Credit: @isabelfrias05 Instagram

Sentro ng atensyon, talagang natunghayan ng karamihan ang kanyang transition mula sa cute na bata hanggang ngayon na isa na siyang dalaga.

Isa si Lenlen sa mga pinakacute at bibong-bibo na child star noon. Maliban dito, pinatunayan niya rin ang kanyang kahusayan sa pag-arte sa kabila ng napakamura niyang edad dahilan kung bakit opportunities na mismo ang lumalapit sa kanya. Una siyang napanood sa “Bantatay,” isang teleserye na ipinalabas noong taong 2010 at nagkaroon din siya ng pagkakataon na mapabilang sa pelikulang “Ang Panday 2” na pinagbidahan ni Bong Revilla kasama sina Marian Rivera, Eddie Garcia, Alice Dixson, at marami pang iba.

Credit: @isabelfrias05 Instagram

Naging parte rin si Lenlen sa “Futbolilits” na ipinalabas noong 2011, isang series tungkol sa sports. Mas nakilala naman ang batang aktres sa “Tropang Potchi” kung saan ay nakasama niya sina Ella Cruz, Bianca Umali, Miggy Jimenez, Julian Trono, at marami pang iba.

Ngayon na 16 taong gulang na siya at marami namang panahon ang lumipas simula nang pinasok ang showbusiness, patuloy pa rin naman na napapanood si Lenlen sa telebisyon. Sa katunayan, kabilang siya sa fantasy-comedy na teleserye na “Alice Bungisngis and her Wonder Walis,” “Legacy,” “Paroa: Ang Kwento ni Mariposa” kung saan ay nakatrabaho niya ang iniidolo niyang si Barbie Forteza.

Kilala sa kanyang cuteness at pleasant na personalidad, pinatunayan rin ni Lenlen sa “My BFF” na kayang-kaya niyang gumanap bilang kontrabida, isang role na hindi inaasahan ng kanyang fans.

Credit: @isabelfrias05 Instagram

Kumakailan lamang din nang napanood si Lenlen sa sikat na teleseryeng “First Yaya” kung saan ay gumanap siya bilang schoolmate nina Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso.

May 28 noong nakaraang taon nang ipinagdiwang ni Lenlen ang kanyang ika-16 na kaarawan at dahil sa pananatili niya sa mundo ng showbiz mula noong siya’y bata pa lamang hanggang ngayon na isa na siyang dalaga, talagang natunghayan ng netizens ang kanyang transformation. Kung noo’y cute na talagang kinagigiliwan ng kanyang fans, ngayon naman ay kapansin-pansin na ang taglay na kagandahan ni Lenlen dahilan para kahumalingan siya ng karamihan.

Credit: @isabelfrias05 Instagram

Katulad ng kanyang natural na talento sa pag-arte, nakatakda na si Lenlen na agawin ang atensyon ng karamihan dahil sa kanyang kagandahan ngayon na napagtagumpayan naman niyang gawin dahil effortless niyang binihag ang puso ng fans.