Ito na ngayon ang dating cute na Goin’ Bulilit star na si Clarence Delgado at ganap na siya ngayong binata

Naniniwala ba kayo na isa sa mga palatandaan na tayo ay tumatanda na ay kapag ang mga pinapanood nating mga child actor noon ay dalaga at binata na ngayon?

Credit: Clarence Delgado Instagram      

Sa Philippine showbiz industry ay maraming child actor na malaki na talaga ang pinagbago ngayon bunsod ng kanilang pagdadalaga at pagbibinata. Isa nga sa mga ito si dating child star Clarence Delgado.

Kilala si Clarence ng lahat bilang isa sa mga most promising child star ng kanyang henerasyon.

Kasama siya sa mga batang aktor na talaga namang nagpatawa at nagbigay saya sa atin sa Sunday child gag show ng Kapamilya network na Goin’ Bulilit.

Credit: Clarence Delgado Instagram

Maliban sa kanyang husay sa pag-arte, ay kinagigiliwan din si Clarence ng manonood dahil sa kanyang ka-cutean.

Kaya ganoon na lamang ang gulat at pagkamangha ng mga netizen nang makita ang malaking pagbabago sa imahe ni Clarence.

Credit: Clarence Delgado Instagram

Kamakailan kasi ay binulabog ni Clarence ang online world matapos lumabas ang kanyang mga letrato kung saan makikita ang kanyang glow-up transformation na talaga namang nagpakilig sa netizens. Ibang-iba na kasi ngayon ang itsura at pangangatawan ni Clarence.

Credit: Clarence Delgado Instagram

Sa Instagram account ni Clarence, ay kapansin-pansin ang mas payat nitong pangangatawan ngayon na mas nagpalitaw sa kanyang gwapong mukha.

Pati ang kanyang porma at pananamit ay nagbago na rin kaya mas binata na ngayong tingnan si Clarence.

Maraming netizen nga ang nakapagsabi na puwedeng nang tawagin si Clarence bilang isang ‘teen heartthrob’ dahil sa imahe nito ngayon.

Credit: Clarence Delgado Instagram

Narito naman ang komento at reaksyon ng netizens sa glow-up transformation ni Clarence.

“Parang kailan lng, ang babyboy mopa, pero ngayon pang heartrub na”

“@clarencedelgado Binatang binata na! Aral maige to achieve your dreams, Clarence! We missed seeing you on Teleseryes!”

Credit: Clarence Delgado Instagram

“@clarencedelgado so gwapo na naman this boy. big boy na, during your cutie days I pray to God sana magkaroon ako ng anak na katulad mo.”

“Ang gwapo binatang binata na, pinapanood lang kita lagi dati sa goin’ bulilit?”

Credit: Clarence Delgado Instagram

“Ahhhh you’re all grown up noww, I used to watch you on T.V. When I was 6 idk but now I’m 14 look at youu.”

Si Clarence ay 15 taong gulang na ngayon. Unang nakilala ng lahat si Clarence nang maging contestant siya sa hit-artista talent search ng Kapamilya network na “Star Circle Quest” taong 2011. Itinanghal na bilang Grand Boy Kiddie Superstar noon si Clarence sa TV show na nagsilbing daan para madiskubre at maipamalas niya ang kanyang husay sa pag-arte.

Credit: Clarence Delgado Instagram

Bukod sa pagiging mainstay sa Goin’ Bulilit ay napabilang din sa maraming Kapamilya TV show si Clarence. Ilan sa mga TV show na pinagbidahan ni Clarence ay Way Back Home (2011), Pagpag (2013), Home Sweetie Home (2014) at Pangako Sa’yo (2015).