Ito na ngayon ang estado ng ipinapatayong dream house ni Kathryn Bernardo!

Talagang determinado si Kathryn Bernardo na gawing katotohanan ang kanyang pinapangarap na bahay!

Credit: @bernardokath Instagram

Simula nang pinasok ang mundo ng showbiz sa napakamurang edad, napatunayan na ni Kathryn na may talento siya sa pag-arte na patuloy namang nag-iimprove sa bawat taong pananatili niya sa industriya.

Isa ngayon sa mga sikat at tinitingalang aktres sa kanyang henerasyon, opportunities na mismo ang lumalapit kay Kathryn at dahil sa kanyang promising na qualities bilang isang aktres, marami na rin siyang pinagbidahang teleserye at pelikula katulad ng “Mara Clara,” “Pangako Sa’yo,” Barcelona: A Love Untold,” at marami pang iba.

Sa ilang taon niyang pananatili sa mundo ng entertainment at dahil sa matagumpay niyang pananatili sa tuktok ng kanyang career bilang isang aktres, unti-unti nang nagkakatotoo ang mga pangarap ni Kathryn katulad na lamang ng ipinapatayo niyang malaking bahay ngayon na matagal na umano nilang pangarap ng kanyang Mommy Min.

Credit: @bernardokath Instagram

Sa isang interview sa “Magandang Buhay” noong July 2021, ikinuwento ni Kathryn ang plano niya sa ipapagawang bahay at kung bakit ito umabot ng tatlong taon bago tuluyang nasimulan.

“Dream ko talaga na mapatayo ‘yung dream house namin ni Mama pero hindi kasi joke ang gagastusin, tapos ang daming priorities. So sabi namin baka next year. Tapos patagal na siya nang patagal bago masimulan,” kuwento ng aktres.

Agosto noong nakaraang taon nang nagkaroon ng “Groundbreaking Ceremony” ang aktres kasama ang kanyang pamilya.

Credit: @bernardokath Instagram

“Slowly getting there..🏠 I can’t believe it’s finally happening! 🥺” sulat ni Kathryn sa kanyang caption kalakip ng mga ibinahagi niyang larawan na kuha sa ginawang ceremony.

Matapos ang mahigit dalawang taon nang sinimulan ang construction sa dream house ni Kathryn, muli na naman siyang nagbahagi ng update kung saan ay makikitang kasalukuyan nang ginagawa ang ikalawang palapag ng ipinapagawang bahay.

Kasama ang pamilyang Bernardo sa unang bisita sa site ngayong taong 2022, labis ngayon ang kasiyahan ng aktres dahil sa progress ng kanyang dream house.

Inulan naman ng pagbati galing sa fans at kapwa celebrities ang comment section ng mismong post ni Kathryn at isa na nga sa mga ito ay ang kanyang onscreen partner at boyfriend sa totoong buhay na si Daniel Padilla.

“YAHOO!!!!!” komento ni DJ. “EXCITING TIMES!!!”

“Yieeeee. Ang saya,” komento naman ni Ria Atayde.

“Congrats, Kath!” Pagbati ni Dominique Cojuangco.

Credit: @bernardokath Instagram

“YAAAAAY 😍❤️” sabi naman ni Arisse de Santos.

Ayon sa mga larawang ibinahagi ni Kathryn, talagang masasabi na napakalaki ng dream house ng aktres at napakaganda pa ng scenery!

Talagang walang makakatumbas sa pakiramdam kapag natutunghayan natin kung paano unti-unting nabubuhay ang ating pangarap. Congratulations, Kathryn!