Ito na ngayon ang mga cute na tatlong anak nila Iya Villania at Drew Arellano!

Talagang nag-uumapaw ngayon ng cuteness at kakulitan ang pamilya ni Iya Villania at Drew Arellano dahil sa kanilang mga anak.

Credit: @iyavillania Instagram

Naging tulay sa pagmamahalan ni Iya Villania at Drew Arellano ang showbiz kaya ngayong mag-asawa at may mga anak na, sentro rin ng atensyon sa publiko ang kanilang magandang pamilya.

Hindi naman ito ipinagkakait ng mag-asawa, lalo na sa kanilang fans at supporters na gustong masilayan ang kanilang buhay sa likod ng kamera. Pareho na abala sa trabaho, kaagad namang napapawi ang pagod na nararamdaman ni Iya at Drew sa tuwing umuuwi sa mapagmahal na halik at maiinit na yakap ng tatlong mga anak.

Credit: @iyavillania Instagram

Hindi naman kasi talaga maitatanggi ang sayang naibibigay ng mga anak sa kanilang mga magulang kaya kahit na’y makukulit, labis pa rin ang tuwang nararamdaman ni Iya at Drew sa tuwing nagpapabibo sina Primo, Leon, at baby Alana.

Matapos ang magkakasunod na busy schedule ng “Mars Pa More” TV Host, napagdesisyunan ni Iya na makipag-bonding sa mga anak nitong nagdaang mga araw. Sa sobrang kasiyahan ni Iya, hindi niya napigilang ibahagi ang iilang larawang kuha niya sa makukulit na mga anak.

Credit: @iyavillania Instagram

“It’s been a full but happy past 2 days with these little guys ❤️ I look at them and my heart just expl0des 💕,” sulat ni Iya sa kanyang caption.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Iya kung paano ipinagkakasya ni Primo, Leon, at baby Alana ang kanilang sarili sa inuupuan. Marami rin ang nakapansin sa pagiging close nila sa isa’t-isa dahil palaging nakayakap si Primo sa bunsong kapatid.

Of course, napansin din ng karamihan ang nag-uumapaw na cuteness ng bawat larawan. Marami naman ang natuwa dahil sa hatid na good vibes ng mga anak ni Iya at Drew.

“What a blessing 😍❤️😍❤️😍,” ayon kay Gretchen Ho.

Credit: @iyavillania Instagram

“❤️❤️❤️,” komento naman ni Carla Abellana.

Hindi rin napigilan ng fans ni Iya na magbigay ng papuri dahil sa kapansin-pansing closeness ng magkakapatid.

“Ang sweet naman ni kuya kay bunso!❤️”

Credit: @iyavillania Instagram

“Cutest siblings ever❤️😍”

“😭😭😭💗💗💗 aaahhhhh I love them all!!!”

“Soooo cute!!!!! 😍😘”

“We love those kids! 😍”

Credit: @iyavillania Instagram

Namana ang good looks ng kanilang Mommy Iya at Daddy Drew, hindi talaga maitatanggi kung bakit napaka-cute ni baby Alana at napakagwapo naman ng kanyang mga Kuya na sina Primo at Leon.
Tunay nga na nakakapawi ng pagod!